About Me

my life is not an open book, but now i wanna share some of its pages...

Recent Posts
Menu
Calendar
«  September 2014  »
MonTueWedThuFriSatSun
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930 

Friends
    Links


    Entry 1 of 2
    Last Page | Next Page
     
    2/20/2007 - KAKAIBANG BYAHE...SASAMA KA BA?
    Posted in Unspecified

     

    KAKAIBANG BYAHE...SASAMA KA BA?

    KAKAIBANG BYAHEBus01june

    SASAMA KA BA?

    Jan. 28, 2007

                Naguunahan sa pila ang mga kaklase ko habang naiinis na ang aming mga guro sa kaayos ng linya ng pila ng bawat estudyante. Handa na ang lahat, maraming dalang baon ang bawat isa. Nagaantay na ang bus na aming sasakyan. "FIELD TRIP" na! Ayos! Syempre ang napili kong katabi ay ang aking bestfriend. Sinadya namin pumuwesto sa tapat ng bus seat ng crush ko, ang saya nito!hehe"¦Gusto ko ng malapit sa may bintana kya naman dun ako naupo. Nagsimula ng umandar ang aming bus. Hindi pa man kami nakakalayo ng bigla na lamang huminto ito. Shit. Nasiraan pa ata kami. Nainip ako, hindi ko namalayang nakaidlip na pla ako. Nang nagising ako ay umaandar ng muli ang bus. Napadungaw ako sa bintana at napansin kong pamilyar sa akin ang aming dinaraanan. Doon ko lang naisip, hindi ko pala alam kung saan ang byahe namin. San nga ba kami papunta? San lugar ba ngaun ang Field Trip? Ni hindi ko lam kung saan. Pasaway. Tatanungin ko na sana ang best ko kaso mukhang ang sarap ng tulog nito. Pwes, pagkakataon ko na ito!  Tulog din pla ang crush ko pati na ang katabi nya. Ano ba naman "˜toh! Sayang"¦ Tumayo na lang ako at ginala ang aking paningin. Ano "˜toh!!!! Natutulog silang lahat! Nagtaka ako dahil ndi naman pangkaraniwan iyon. Nilingon kong muli ang bintana"¦at doon nagsimula ang totoong byahe ko"¦

                Hinayaan ko na lamang ang ganung sitwasyon. Naaliw naman ako sa mga dinaraanan namin. Pamilyar kase ang lugar na ito. Parang narating ko na dati. Natanaw ko ang parke kung saan may malaking "MAGNOLIA ice cream", tama noong bata pa ko natatandaan kong namasyal na kme rito. May piktyur pa nga ako sa higanteng ice cream eh. Nadaanan rin namin ang elementary school ko, mga churches na narating ko na, at marami pang lugar na sigurado akong natapakan na ng mga paa ko. Ngunit nagulat ako ng napansin ko ang mga taong aming nadaraanan. Nakatingin silang lahat sa akin habang kumakaway. Tama, sa akin lamang sila nakatingin marahil kase tulog ang mga kasama ko at kami lang ng tsuper ng bus ang gising nun. Pero lalo akong namangha ng titigan ko ang bawat isa sa kanila. Kilala ko ang bawat isa sa kanila! Naroon ang aking mga kababata sa dati naming tirahan, mga naging gurot kamag-aral, malalapit na kamag-anak at aking mga kapitbahay nuon at ngayon. Kabilang rin sa mga nakita ko ang aking mga kaibigan, at maging mga nakasamaan ko ng loob dati. Lahat silay kilala ko. Bawat madaanan naming lugar ay narating ko na nga at ang mga tao sa paligid ay mga nakasama ko na. Ang saya ng kanilang pagkaway sa akin ngunit halata sa mga mata nila ang kalungkutan. Kapansin- pansin ang mga naluluhang mata nila na nakatingin sa akin. Nahiwagaan ako at di ko alam kung ano talagang  pakiramdam ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Maya-maya pay huminto ang aming bus. Naiihi ata si manong tsuper. Nakita ko siyang bumaba ay nagtungo sa isang tahanan. Hindi ko masyadong napansin kung nasaan na kami nun. Nilingon kong muli ang aking mga kamag-aral sa loob ng bus. Haay"¦tulog pa rin sila. Dahil sa inip ko, bumaba na rin ako ng bus at sinundan ang aming tsuper kung saan sya nagtungo. Kelangan ko na rin kasing mag banyo. At nakapasok na nga ako sa isang baha. Naapakaraming tao sa loob nito. Bawat isa sa kanilay nakatungo habang nakatalikod sa akin. Nahirapan tuloy akong makilala kung nasaan ang aming tsuper. Tahimik rin masyado sa loob kaya naman nakakahiyang magsalita. ( "uhm, ehem excuse me po, san po ba ang C.R dito???") Ang pangit"¦ Hindi na lng ako umimik. Nasaan na kaya si manong, ang aming tsuper? Natigilan ako sa paghahanap ng nmarinig ko ang mga hikbi at pagluha ng mga tao sa paligid. Nagiiyakan sila"¦Bakit kaya sila umiiyak?  Sumingit ako sa mga ito upang malaman ko ang kasagutan. Ano kaya itong pinagkukumpulan nila at iniiyakan. "¦.

                Parang huminto ang oras ng sandaling iyon. Parang nagbalik sa akin ang lahat lahat ng nakaraan, mga panahong nakalipas. Nanghina ako sa aking napagmasdan. Napaupo ako sa bigat na aking naramdaman. Napagmasdan mismo ng aking mga mata ang isang babaeng walang buhay na nakahiga sa kanyang himlayan. Walang iba kundi ako. Ang aking sarili. At ang mga taong nakapaligid sa akin ay ang mga taong aking nasilayan sa daan. Ang aking pamilya, mga kamaganak at mga kaibigan. Ang mga tao sa buhay ko. Ako palay nasa loob ng aming sariling tahanan at nasa araw mismo ng aking burol"¦

                Buti na lamang at nagising ako sa matinding ingay at panunukso ng mga tao sa loob ng bus. Katabi ko na pala ang crush ko! Sinamantala nila ang matinding himbing ko sa pagtulog at nakipagpalit  ng upuan ang magaling kong bestfriend sa crush ko. Kinabahan ako at nahintakutan sa kakaibang panaginip na iyon. Ayos na sana ang eksena pagising ko"¦ kakaibang ngiti ang namulatan ko"¦"papunta tayo sa byaheng langit sasama kaba?", tanong ng crush ko"¦Binatukan ko nga"¦Sinabi ko mauna sya at wag syang mag-alala dahil susunod din ako"¦hehe"¦Tinanong ko sya kung saan ba field trip namin, at ang mokong ndi rin pla alam. Pasaway. Huminto ang bus at nagbabaan na ang mga studyanteng naghahanap ng C.R. Narinig ko ang best ko"¦ndi nyo ba alam sa "ICE CREAM FACTORY tayo pupunta"¦" ANOooooo!!!!!!!!!!haay"¦.di bale masarap naman ice cream eh di po ba?   

    Share |
    :: Send to a Friend!

    Share and enjoy
    • Digg
    • del.icio.us
    • DZone
    • Netvouz
    • NewsVine
    • Reddit
    • Slashdot
    • StumbleUpon
    • Technorati
    • YahooMyWeb
     
    portfolio