happeh new year to everybody!!! i wish that we all welcome new year safely and of course, we need to have resolutions na often times ay di rin nagagawa!!! hahaha!!! well, super saya ng pagsalubong namin ng new year!!! super talon ako sa kagustuhang tumangkad pero parang imposible naman!!! hahaha!! super ihip din ako sa torotot courtesy of mah pamangkin, Darius!!! hahaha!!!! super pindot din ako sa busina ng motor ng kuya ko!!! super sindi din ako ng lusis !!! hahaha!!! nakakabaliw ang lusis e... lalo na nung andun kami sa mga insan ko, yung lusis may natalsik talsik effect pa!! hahaha!! well, super sigaw din ako dahil sa ganda ng fireworks display ng mga tito ko from Enchanted Kingdom dudez ang fireworks!!! tapos, super gala din kaming magpipinsan... punta kami sa mga house ng mga pinsan namin at syempre pumunta din sila sa house namin... magkakalapit lang kasi ang house namin... 5 families kming magkakalapit, yun 2 mdyo malayo lang ng konti, yung dalawa malayo din, yung 1 super layo kasi nasa mindoro at syempre may lalayo pa ba sa nasa amerika naming tito at tita... hahaha!!! dun sa isa kong tita ang daming nakakalat na coins sa sahig, super dapa kamisa sahig para mamulot ng coins!!! grabe kakaiba talaga mga kamag anak ko!! hahaha!!! sa house, mas mausok pa ang loob ng house kesa sa labas!!! hahhaZ!! napasok kasi ang usok sa loob... super amoy paputok na din ako!!! hahaha!!! anu pa ba ginawa ko?? hmmmm........ op course, makakalimutan ko bang kumain!!! hahaha!!! lafang lafang kami sa mga bahay na pinuntahan namin at super nakakalaki ng tyan to mga dudes!! hahaha!!! kain todo ever talaga!!!
ang mga kapatid kong lalaki at mga kabarkada nung isa kong kuya ang mga nagpapaputok!!! grabeh, 2 sintron ni hudas ang pinagsabay paputukin!! gulo ang mundo ever!!! hahaha.. tapos yung tatay ko biglang nawala, narinig na lang namin nagpapaputok na sya ng baril nya dun sa likod ng house namin.. mas matindi yung tito ko!!! armalite binanatan!!! grabeh!!! takot na magnakaw ang mga magnanakaw sa bahay naming magkakamag- anak!!! hahah... nu pa ba?? naglatag nga pala kami ng higaan sa garden ever ng nanay ko at dun kami nakahiga while nanunuod ng astig na fireworks display... nga pala naalala ko, may isang tricycle na agaw eksenA nung nanunuod kami ng fireworks display... may hila hila ang trike na yero at pinatakbo ng driver ang trike sa buong lugar namin!!! hahaha!!! nu pa ba?? yun pala, nagpapatunog ako ng coins na hawak ko!!! ewan ko kung ano sense nun! siguro dagdag ingay lang... hahaha.. kakaiba talga ako, madami akong hindi alam na pamahiin... dun nga sa bahay ng lola may isang baso ng bigas sa table di ko alam meaning nun ang sabi para daw may kakainin sa buong taon!! e panu pag alang pera?? e di wala ng kakainin!! hahaha.. pero di naman mawawalan ng pera sina lolo at lola... may sustento from 10 children e!!! swerte nila sa anak!!! yung lolo ko pala e niloloko namin maghagis ng papel na cash kasi madame siya pera from nabentang mais!!! pero ayaw... barat kasi talaga ang lolo kong yun sa mga babaeng apo except lang sa ate ko na nagdodoktora.. malaki syang magbigay ng pera sa ate ko kasi sya lang doktor sa lahi namin at alam nyang madAme na ding gastos sila mami kay ate kaya binibigyan nya ng pera si ate... fave nya mga lalake sa lahi namin!!! lalake lang binibigyan nya ng pera... maunti lang kasi ang pinsan naming lalake.. 11 lang sila, 7 pa lang yung mga matatanda na.. the rest baby pa... at saka ang katwiran nya samen, binibigyan nya daw ang mga pinsan namin ng pera para panchicks e pag kame ang binigyan alangan naman daw kami pa ang gumastos kung may ka- date kami!!! hahaha!!! ibang klase lolo ko no!! hehe..
3am na ko nakatulog... tinulugan ko pa nga si prince e... katext ko pa kasi sya pero nagsabi naman ako na baka maya maya matulugan ko na sya... hahaha!!! 7:30 am ako nagising... konti pa lng tulog ko!!! niaantok pa ko... pagkagising ko kumaen kami nung pamangkin ko tapus nagwalis ako sa labas kasi makalat pa din sa tapat namin... andun pa yung mga kalat ng sintron ni hudas... At syempre ngayon nagtatype na ko dito sa blog...
nga pala uso resolutions... well, ala naman akong maisip na resolution... madalas naman kasi e hindi ko nagagawa resolutions ko... gusto ko lang mas maging masayang tao pag kasama ko mga kaibigan at mahal ko sa buhay. mas maging close sa mga hindi ko ganon kaclose sa 3A1 at syempre mas ipakita ang care, love at support ko sa mga kaklase ko na talaga namang mahal ko.. alam ko kasing wala ng makakatalo sa bond naming magkaklase... kahit kasi may kanya kanya kaming kada, we manage to talk with everybody.... speaking of barkada sana mas maging good na ko sa FU group pero sana mas maging matino din sila... hehehe!!!! yun lang...
wishes this new year, sana maging super duper ever saya ako at ang mga taong mahal ko... pag happeh sila, happeh din ako!!! sana ang taon na to ay maging super special for this year we will have our first time experience of JS prom.. love life?? bahala na yung mga ewan sa paligid na di marunong tumingin ng maganda!!! hahaha!!! jokeness!!! bahala na kung may dadating... im not wishing for it because im contented with mah life now and op course im not waiting for it!! garsh!!! why the hell am i going to wait for it?? im happeh being sorrounded by the persons i love and the persons who love me and that is enough for me...
maya maya, punta kaming buong pamilya(as in buo kasama mga pamangkin ko at hipag ko at mudra at padir ko!hahaha!!!) sa Lipa... sisimba kami at pupunta ng mall.. first time in the history to na as in super complete kaming umalis... masaya yun, i assume!!! kami pa e magulo kaming lahat!!!
have nothing more to say... i bettah go now!!! sayang internet card ni sis... hehehe!!!
HAPPY NEW YEAR PEOPLE OF THE EARTH!!!
|