|
Matagal nang naiintriga na scripted daw ang nangyayari sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house. May hinala ang iba na kung anuman ang napapanood sa bawat pumapasok sa loob ng Bahay ni Kuya, may sinusunod siyang script. At mismong mga taga-PBB daw ang sumulat o may gawa.
Pinabulaanan ni Toni na scripted o gawa-gawa lang kung anuman ang kaganapan sa loob ng PBB house.
Walang idea na siya na pala ang susunod na papasok sa loob ng Bahay ni Kuya bilang guest housemate, nagbigay pa ng depensa si Toni sa mga taong nao-off daw sa pagiging emotional ng co-host niyang si Mariel. Inamin din niya na sobrang nami-miss na nila ni Bianca Gonzales ang kanilang co-host.
"Nami-miss namin siya. Nasanay kasi kami na kaming nagho-host na tatlo. It's really different when she's not with us."
PAUL SORIANO. Samantala, dumaan din sa pagsubok ang relasyon ni Toni sa boyfriend niyang si Paul Soriano. Nakuwestiyon ang krediblidad at sinseridad ni Direk Paul nang ma-involve ang pangalan niya sa ipinagbubuntis noon ni Camille Prats dahil sa kanyang "No comment."
Nang tanungin namin si Toni kung nabawasan ba ang tiwala niya kay Paul o kung may regrets siya na si Direk Paul ang pinili niyang maging first boyfriend, sinabi ni Toni na wala siyang pinagsisisihan.
|
|
Post A Comment! :: Send to a Friend! |
|
Share and enjoy |
| Posted by princess |
| Hindi ako naniniwala na scripted ang PBB...Dahil sinabi ni Toni na hindi daw scripted ang PBB... ang pinagplaplanuhan lang ay ang mga tasks na gagawin... Hindi ba kayo naniniwala na hindi scripted yun?! You can watch that show in cable 24/7,,, panu mabibigay ang mga scripts at mag-memorize kung nandyan ang mga cameras!?,,, |
| Permanent Link |

| Posted by Mick Jor S. Rivera |
| tama yun ang pinagpaplanuhan yung task ni kuya |
| Permanent Link |