12/29/2007 - Captain Barbell will fly again with Darna come 2008
Posted in Unspecified



Gumawa ng movie ad trailer ang GMA-7 para sa mga bagong primetime shows nito for 2008. Ipalalabas ang nasabing trailer sa lahat ng sinehan starting this Christmas, sa pagbubukas ng 2007 Metro Manila Film Festival. Hindi pa man nagsisimula ang MMFF, ipinakita na ito sa premiere night ng Resiklo noong December 22 sa SM Megamall.

 

Sandwiched ang apat na shows sa pinaka-teaser ng Valentine movie ng GMA Films at Regal Films na A Very Special Love, ngunit si Richard Gutierrez lang ang ipinakita, with a blurb that says, "She is definitely coming this Valentine."

 

Ang unang ipinakita ay ang Joaquin Burdado nina Robin Padilla at Iza Calzado. Heavy ang special effects ng trailer dahil nabubuhay ang mga tattoo sa katawan ni Robin as Joaquin Burdado na parang nag-aapoy.

 

Directed by Mac Alejandre and Argel Joseph, Joaquin Burdado also stars Mark Herras, Iwa Motto, and Cristine Reyes, although may usap-usapan na planong lumipat ng bakuran ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

 

Ang ikalawa ay ang napaka-glossy na Babangon Ako't Dudurugin Kita, ang kauna-unahang Sine Novela for primetime. Ang dalawang magiging kontrabida sa soap muna ang ipinakita, sina Marvin Agustin at Angelika dela Cruz, bago lumabas as separate shot ang mga bidang sina Yasmien Kurdi at JC de Vera.

 

Ito ang mag-aakyat sa tambalan nina Yasmien and JC sa primetime after lording over the afternoon slot with two successive, successful Sine Novelas, Pati Ba Pintig Ng Puso at Pasan Ko Ang Daigdig. Ito rin ang pagbabalik ni Joel Lamangan sa primetime ng GMA-7. His last project was in 2002, Kung Mawawala Ka.

 

The third soap is Mars Ravelo's Dyesebel. Dahil wala pang napipiling artista na gaganap sa soap, nakatalikod lang palagi si Dyesebel.

 

Ang pang-apat ang ikinagulat ng audience dahil bagama't nasusulat nang magbabalik si Darna, hindi inakala na makakasama niya pala rito si Captain Barbell. The tentative soap title is Captain Barbell Meets Darna.

 

Si Richard Gutierrez pa rin ang naka-peg na gaganap bilang Captain Barbell, although hindi pa alam kung mauuna ba ito or ang kanyang Gagamboy once his Kamandag finishes by first quarter of 2008.

 

Wala pa ring napipili ang GMA-7 na gaganap bilang Darna, na unang ginampanan ni Angel Locsin. Sa 7th floor (Entertainment TV) ng GMA Network Center, puwedeng mag-cast ng vote ang mga empleyado kung sino ang gusto nilang maging Darna.

Share |

:: Send to a Friend!

Share and enjoy
  • YahooMyWeb

2/2/2008 - comment
Posted by liezel
Hay wala na ba tlgang gagawin ang GMA 7 kundi manggaya sa ABS???Pati ba naman mga advertisement ng teleserye ginagaya...Captain Barbel Meets Darna???Hoy si Darna lumipat na sa ABS...Dapat jan Captain Barbel meets LOBO..And Im sur kakainin nya si Captain Barbel,wahaha...Lahat ng nakaline up nyo na teleserye,mga BADUY....Ang shoshonget...Oh, wag kayo magrereact,dis is a free country, kanya kanyang opinyon yan..Bata i hat GMA 7 dey are so BADUY...ABS CBN ang best network...
Permanent Link
portfolio