1/3/2008 - Jennylyn Mercado two months preggy, to wed Patrick Garcia



 Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balita kanina lamang, January 3, mula sa isang staff ng showbiz talk show na kumpirmadong buntis ang young actress na si Jennyly Mercado.

 

Ayon sa source ng PEP, six weeks and two days na ang dinadala ni Jennylyn courtesy ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia. Nagpa-check-up sina Jennylyn at Patrick sa St. Luke's kanina at dito nga nakumpirma ang pagbubuntis ng young actress na magtu-21 years old pa lang sa May 15.

 

Nang kumpirmahin ng staff ng showbiz talk show ang balitang buntis si Jennylyn, inamin naman daw ito agad ng young actor. Idinagdag pa ni Patrick na pananagutan niya ang dinadala ni Jennylyn.

 

Sa katunayan, at press time ay kasalukuyang nasa Makati City Hall sina Jennylyn at Patrick at nagpapakonsulta ang dalawa para sa nalalapit nilang pagpapakasal. Ayaw raw kasi ni Patrick, 26, na lumabas ang bata na hindi pa sila kasal ni Jennylyn.

 

Magkasama sina Jennylyn at Patrick sa bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang. Tiyak na makakaapekto ang pagbubuntis na ito ni Jennylyn sa magiging takbo ng naturang afternoon soap opera.

 

Ang maganda lang dito sa pagbubuntis ni Jennylyn ay inalok siya ng kasal ng ama ng kanyang magiging anak.

Post A Comment! :: Send to a Friend!

2/2/2008 - comment
Posted by jedbeth
Hay sayang ang career...After manganak ano kaya magiging role niya? Answer:Nanay na lang di na pwede magpatweetums yan...hahaha

Permanent Link

Share and enjoy
About Me

happenings and updates on local tv/cinema


Recent Posts
Menu
Calendar
«  December 2008  »
MonTueWedThuFriSatSun
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031 

Friends
Links


Entry 1 of 102
Last Page | Next Page