|
My 11-page prelim project in Filipino. It got 88 over a hundred but I'm okay with it. After all, I only worked on it for about two hours.  "Ned, sabihin mo nga sa akin ang totoo. Mahal mo ba talaga ako?" "Oo ng buong puso." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso o sadyang niloloko lang ako. Hindi pa rin ako naniniwala. "Kung ganoon, bakit mo iyon ginawa sa akin?" "Ginawa ko lang iyon dahil iyon ang sa tingin ko ang nararapat." "Nararapat? Ned, pinabayaan mo "ko. Nawala ka ng isang taon. Hindi mo ako kinibo. Si mommy at daddy, nakikita at nakakausap ka. Ako, ni buhok mo, wala akong nakita, ni tinig mo wala akong narinig. Nasaktan mo ako ng todo-todo Ned." "Rini"¦" "Huwag mo akong lapitan. Huwag mo kong tawagin ng ganyan. Wala kang karapatan na gamitin iyan. Ang pangalang iyan ay ginagamit lang ng mga taong totoong nagmamahal sa akin at hindi ka kabilang doon!" "S*** Rini! Sa nagdaang taon, hindi nawala ang pagmamahal ko sa "yo. Mas lumalim pa nga." "Hindi ako naniniwala sa "yo. Kung mahal mo talaga ako tulad ng sinasabi mo, paano mo nagawang saktan ako? Mayroon ka bang ideya kung gaano mo ko nasaktan?" "Rini"¦" "Sinabi ko nang huwag mo kong tawagin niyan! Bingi ka ba o talagang walang hiya lang?" "O sige Mari. Masaya ka na? " "Bat naman ako sasaya, e kaharap kita." "Mari, maniwala ka sa akin. Hindi ko intensiyon na saktan ka. Ginawa ko lang iyon dahil...dahil... " "Dahil ano Ned?" "Huwag na. Komplikado." "Sabihin mo sa akin Ned. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit dinurog ng kapatid ko ang puso ko." "Hindi mo maiintindihan ang sitwasyon Mari." "Ang hindi ko maintindihan ngayon ay kung bakit ayaw mong magpaliwanag. Umaasa kang mawawala lang ang hinanakit ko sa "yo ng ganun-ganun na lang? Ano tingin mo sa akin, tanga? Martir?" "Mari, hindi ko alam kung maiintindihan mo talaga." "Paano ko nga maiintindihan, e hindi ka naman diyan nagpapaliwanag. Sinasabi mong hindi ko naiintindihan. Natural lang, hindi ka nagpapaliwanag eh. Paano mo malalamang naiintindihan ko o hindi kung ayaw mong magsalita diyan? Akala ko ba matalino ka Ned? Tanga ka rin pala." Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. "Sige, ipapaliwanag ko na sa iyo kung bakit ako nagkaganoon." "Sa wakas!" "Baka gusto mong maupo muna. Hindi mo siguro kakayaning nakatayo lang." Naguluhan ako pero naupo na rin. Samantala nakatayo pa rin si Ned at nagsimulang maglakad ng pabalik-balik. Ilang segundo ay huminto rin siya at tiningnan ako. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sisimulan ko sa pagsasabing hindi tayo tunay na magkapatid." Parang nabilaukan ako. "Huh? Pasensiya na, mali siguro narinig ko. Akala ko sinabi mong hindi tayo magkapatid." Tiningnan ko siya at umasa akong nagpapatawa lang siya. Pero hindi siya tumawa. Tumango siya at sinabing "Totoo Mari, hindi tayo magkapatid. Ampon lang ako." Lumaki ang mga mata ko. Sinubukan kong unawain ang sinabi niya. Paano nagyari iyon? Bakit hindi ko alam? Kalian niya nalaman? O alam na ba niya simulat sapul pa lang? Bakit itinago sa akin "to? Bakit umampon sina mommy at daddy? Paano nila nagawang ilihim iyon? Sumakit ang ulo ko sa mga tanong na biglang pumasok sa utak ko. Parang hindi ako makahinga. Nalilito ako. Teka, anong koneksiyon nun sa pagpapabaya sa akin ni Ned? "Mari...," nasambit ni Ned. Hindi ko namalayang nakaupo ni siya sa tabi ko hinahaplos ang buhok ko. Lumayo ako dali dali sa kanya at umupo sa dulo ng sopa. "Sinasabi ko na nga bang ito ang magiging reaksyon mo." "Bakit walang may nagsabi nito sa akin? At ikaw, paano mo nalaman?" "Ayaw nina mommy at daddy na sabihin sa atin dahil takot sila. Nakikita nila ang magandang relasyon natin bilang magkapatid at ayaw na nilang sirain iyon. Naisip nila na hindi na mahalaga na malaman pa natin na hindi tayo magkadugo." Wala akong sinabi pero galit at di pagkapaniwala ang nakaguhit sa mukha ko. "Dalawang taon ko nang alam ang tungkol dito. Aksidente ang pagkakaalam ko nito. Kinailangan ng birth certificate para makapasok ako sa kolehiyo. Naghanap ako sa drawer nila at dalawang bersyon ang nakita ko. Tinanong ko sila tungkol dito at nung una ay tinangka pa nilang itago ang katotohanan pero sa huli ay sinabi rin nila sa akin. Kinupkop nila ako noong magtatatlong buwan pa lamang ako. "Noong nagsisimula pa lamang ang negosyo natin, ang tagakahera noon ay isa sa mga estudyante ni mommy. Nasa third year college na siya; matalino, maganda at napamahal na kay mommy. Pero nabuntis siya. Itinakwil siya ng mga magulang niya at nilayuan ng nobyo niyang nakabuntis sa kanya. Magpapaabort sana siya pero kinausap siya ni mommy at pinayuhang huwag gawin iyon. "Sinabi rin ni mommy na kung sa tingin niya ay hindi niya kakayanin, pwedeng kupkupin ni mommy ang magiging anak niya. Nakumbinse ang estudyante at iyon nga, ipinaampon ang anak kay mommy at daddy. Ako." Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Naramdaman ito ni Ned kung kayat nagpatuloy siya sa kanyang kuwento. "Noong malaman ko iyon, ang buong katotohanan, nagkaroon ako ng kasagutan sa maraming mga bagay. Tulad ng kung bakit hindi ako lubos na mahal ni Lolo Nilo. Tutol siya noon sa pag-ampon sa akin. Alam ko na ngayon kung bakit tuwing may reunion tayo ay tinitingnan ako ng ibang mga pinsan ni daddy na parang naiibahan sila sa akin. Alam ko na rin ngayon kung paanong nangyari na bughaw ang mga mata ko samantalang kayumanggi ang sa inyo. "Nasagot na rin ang tanong kung bakit iba ang nararamdaman ko kay mommy, kay daddy at sa "yo. Mayroon talagang bagay na bumagabag sa akin pero hindi ko malaman kung ano talaga. Noon, bago ko nalaman, pinabayaan ko lang iyon at sinabi sa sarili ko na nagiging paranoid lang ako." Sa mga sinabi niyang iyon, namuo ang luha sa mga mata ko. Kahit na galit ako sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang maawa sa kanya. Hindi ko alam na ganoon pala ang naramdaman niya. Kahit gaano kami kalapit noon ay hindi niya ibinahagi sa akin ang mga iyon. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na pabayaan na ang mga iyon at huwag nang isipin. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinairal ko ang pride ko at galit pa rin ako sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim. Binuka niya ang bibig niya na parang may sasabihin pero walang lumabas. Sinara niya ito uli at tumingin sa akin na para bang takot. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Pagkatapos kong malaman, napasyahan kong huwag na lang sabihin sa "yo. Pinagpangako ko kina mommy at daddy na huwag sabihin sa "yo." Lumiit ang mga mata ko sa galit sa sinabi niyang "yon. Nang makita niya ang ekspresiyon ko, dali dali niyang sinabi, "Dahil sa tingin ko ay hindi na iyon importante. Masaya na tayo sa ganoong sitwasyon. Kapatid pa rin kita. " "Kapatid pa rin. Yan rin ba ang dahilan kung bahit, ah"¦ewan ko"¦di mo ko kinibo ng isang taon, ha?" "Hindi. Hindi iyon." "Eh ano?" "Pagkatapos kong malaman, ginawa ko lang ang normal kong mga gawain. Banda, naglaro ng tennis kasama mo, pumasok sa paaralan, nang-asar. Kuha mo na siguro ang daloy. "It wasnt until half a year later that I felt something different. Unti-unting nag-iba ang naramdaman ko para sa "yo"¦Rini." Pinagdilatan ko siya pero hindi ko siya sinita sapagsabi ng pangalan ko. "Pilit kong tinago, pinatay ang naramdaman ko pero parang mas lumakas pa. Mahal na kita Rini"¦hindi lamang bilang isang kapatid kundi higit pa." Nagulat ako. Nanlaki nang husto ang mga mata ko. Tumakbo ako palayo sa kanya at napaupo sa may headboard ng kama ko. Sinundan niya ako pero hanggang sa dulo ng kama lang siya. "Rini"¦" "Pakiusap, huwag mo akong tawagin ng ganyan," ibinulong ko. Huminga siya at tumango. "Maniwala ka sa akin Mari, ilang beses kong ibinunggo ang ulo ko para mawala ang naramdaman ko at para hindi ko na iyon isipin. Nung hindi ko na alam kung ano ang gagawin, pinuntahan ko si daddy at nag-usap kami. "Alam mo, ang bait talaga ni daddy," ang nakangiti niyang sabi. "Hindi niya ako pinagalitan o ano. Pinakinggan niya ang lahat ng gusto kong sabihin. Kung iba yun, siguro grabe na ang sermon na inabot ko. Iminungkahi niyang sabihin ko na sa iyo ang katotohanang hindi talaga tayo magkapatid. Tumanggi ako. Me and my stubborn self. "Hindi ako sumang-ayon kay daddy. Hindi; nag-isip ako ng ibang paraan. Hindi ako nakatulog ng ilang gabi sa kakaisip kung ano ang gagawin. Hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng sulat galing Duke. Nakapasok ako. May scholarship pa silang inaalok sa akin. "Inisip ko na ito na. Ito na ang pinakamagandang paraan. Lalayo ako sa iyo. Inisip ko na sa paglayo ko, unti-unting mawawala ang nararamdaman ko sa "yo." "Nawala ba?" ang tanong ko sa kanya. "Pinilit ko ang aking sarili na masanay na hindi ka nakikita, naririnig, naaasar o napapatawa. Masakit na masakit iyon para sa akin. Para bang sinabihan akong mayroon akong sakit na kritikal. Pero ano pa man, pinanindigan ko ang desisyon ko dahil iyon ang naisip kong nakakabuti para sa atin." Bumubuhos na ngayin ang luha ko. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang patahanin ako at punasan ang mga luha ko pero umiling ako. Nagpatuloy siya. "Noong isang linggo ay bumisita ang kapatid ng roommate ko sa kanya. Ang saya nila. Parang tayo noon. Nainggit ako. At doon ko nga natanto na hindi ko kayang mawal ka. Espesyal na espesyal ka sa akin at hindi ako makapinawalang hinayaan kitang lumagay sa dilim." Tumahimik lang ako at pilit kong inintindi ang kanyang mga sinabi. Sinubukan kong tingnan ang kuwento sa ibang angulo kung saan magiging protagonista siya. Pero hindi talaga. Kahit saan ako tumingin, masama ang isinisigaw. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon sa akon. Ang laking tanga ko. "Um Mari, ito ang pinakamagandang panahon para magsalita ka na"¦" "How could you?! Paano mo "yon nasikmurang gawin?! Pinagkatiwalaan kita at iyon lang ang inabot ko sa "yo? Alam mo ba kung gaano kalaki ang epekto ng ginawa mo sa akin? "Hindi na ako naglalaro ng tennis, Ned. Alam mo kung bakit? Dahil tayong dalawa ang palaging naglalaro nun. Tatak na natin yun. Minahal ko ang tennis dahil sa "yo. Bumaba na rin ang mga grado ko. Ang Math mula 96 naging 89. Ang Social Studies mula 92 naging 88. Kahit PE na nga lang eh bumaba pa. Ilang beses na rin akong napapunta sa Guidance Office. Tatlong beses sa isang buwan. Kung swertehin, dalawang beses lang." "Anong dahilan ng pagpapapunta nila doon sa "yo?" Ang mahina niyang tanong. "At ngayon concerned ka? Sasabihin ko sa "yo kung ano. Ang biglaang pagbaba ng mga marka ko, ang pag-away ko sa loka-lokang cheerleader na habol nang habol sa "yo, sa di pag-respeto ko sa isang guro, sa pagliban ng maraming beses sa klase." "Mari"¦" "Ikaw ang dahilan ng lahat ng yun Ned. Ikaw. Nasaktan ako ng todo sa ginawa mo. Akala ko nung una dahil abala ka lang. Bagong eskwelahan eh. Lilibutin mo muna, aalamin ang pasikut-sikot, maghahanap ng mga makakasama, at marami pa akong idinagdag na dahilan para sa "yo. Pagkatapos ng isang kapat sa amin, hindi ka pa rin nagpakita. Nalungkot ako pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Naghanap pa rin ako ng mga dahilan para ipaliwanag ang ginagawa mo. Siguro bawal doon ang mga cellphone o computer. Halatang hindi kapanipaniwala pero pinaniwalaan ko mandin. "Nag-iba ang pananaw ko noong nagsimula ang ikalawang semestre. Limang buwan na ang nagdaan at hindi mo pa rin ako kinikibo. Tinanong ko si mommy tungkol doon at alam mo kung ano ang sagot niya? Biruin mo, sinabi niyang baka nag-o-overreact lang daw ako. Ang nanay ko hindi man lang pinabuti ang pakiramdam ko. "Nakikita mo ba ang mga litratong yan sa mesa? Mga gawa ko yan. Ipinasok ko ang karamihan diyan sa isang photo exhibit sa paaralan. Nanalo ako ng unang gantimpala. Magaling daw, puno ng emosyon. Ang hindi lang nila malaman at maintindihan ay kung bakit sa dinami-dami ng mga emosyon, lungkot at pagkabigo ang napili ko. Hindi ko na sinagot. Baka bumula pa ang dugo ko ng wala sa lugar. " "Mari, hindi ko sinasadyang saktan ka." "Hindi mo sinasadya? Okey ka rin ano"¦" "Wala sa plano ko ang saktan ka. Gusto ko lang mawala -" "Wala ka nang magagawa Ned. Sinaktan mo na ako. Parang unti-unti mo akong pinatay sa ginawa mo." "Nasaktan din ako, alam mo ba yon?" "Wala na akong pakialam doon at dapat lang naman na masaktan ka. Pinili mong gawin iyon kahit alam mong walang kuwenta iyon." "Kung masakit para sa "yo, mas masakit para sa akin." "Anong alam mo sa sakit na nararamdaman ko ha?" ang naisigaw ko kay Ned. "Di ba Ned, matalino ka? Sana bago mo iyon ginawa, inisip mo muna ang sakit at hirap na mararanasan ng ibang tao." Lumapit siya sa akin. "Akala mo ba gusto kong gawin iyon? Wala akong ibang choice!" "Walang choice? Mayroon Ned. Sana sinunod mo na lang ang payo ni daddy na sabihin sa akin ang totoo." "At magiging komportable ka ba kapag sinabi ko?" "Hindi pero mas magiging mabuti ang sitwasyon." "Anong ibig mong sabihin?" "Kung sinabi mo ang totoo noon, napag-usapan sana natin ang tungkol sa nararamdaman mo. Iyon lang ang magiging sentimyento natin." "Lang?" ang nalilito niyang tanong. "Oo, iyon lang. Hindi tulad sa sitwayon natin ngayon. Nagsinungaling ka sa akin, pinabayaan mo ako, ginago mo ako, sinaktan mo ako at nariyan pa ang nararamdaman mo. Nawala na ang respeto ko sa "yo Ned. Napalitan na iyon ng galit at poot." "Mari, alam kong nagkasala ako at pinagsisisihan ko na iyon kaya sana patawarin mo na ako." "Hindi lang ganyan kadali yon Ned. Ang laki ng gusot na pinasukan mo. Ikaw na mismo ang naghukay ng butas na iyan." "Mari, pakiusap"¦" "Congratulations sa plano mo Ned. Unti-unti na nga akong nawawala sa buhay mo. " "Pero ayoko"¦" "Isa kang basura sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit nag-aaksaya pa ko ng hininga sa "yo. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa mo iyon. Bumaba ang pagtingin ko sa "yo. Siguro hindi kita ganun ka kilala. Hindi ka karapat-dapat sa respeto at panahon na ibinigay ko. Maraming nawala sa akin nang dahil sa "yo. Kung mayroon ka pang pakundangan, aalis ka sa harapan ko." "Pero Mari"¦," ang sambit ni Ned sabay tulo ng mga luha niya. "Ngayon na Ned."
|
Permanent Link