pRaeToriaN







Image Hosted by ImageShack.us

About Me


This is just all my babbles basically...anything I think about and feel like writing...

Recent Posts
Image Hosted by ImageShack.us

Image Hosted by ImageShack.us
Menu
Calendar
«  September 2008  »
MonTueWedThuFriSatSun
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930 

Image Hosted by ImageShack.us

Image Hosted by ImageShack.us

Friends
Links
Image Hosted by ImageShack.us

Image Hosted by ImageShack.us
Page 2 of 14
Last Page | Next Page
4/30/2007 - Veneer
Posted in poeMs

Hot tears prickle down her cheeks
Yet all she wants is blood to ooze out
Its broad daylight now
Time to put on the perky attitude

Another whirlwind of lies
The façade will never be discovered
But then, now the secret is revealed
She is no sunshiny lady
Here lies the broken girl from yesterday

Dont pretend to understand
Because you will never learn to
Dont look with pity
It will be mirrored with disgust

What you know has been the superficial
And that wont ever change

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/27/2007 - Nurse this

I’m slowly healing the big gash that he created a few weeks back. Time seemed to move so fast but the hurt still has not ceased. It may have pitied me and lessened the burden but nonetheless it is still there. Fresh and unwavering. Now he tells me that he has fallen for me. He could give up everything for us. I cannot permit myself to wreck a relationship but why am I dragged into this?

Fresh tears spill again. Now I’m waiting for them to turn to blood. Continue this and I might see them sooner than I deemed.

Do not cry. It will make the pain more real.

Honesty is needed but too much honesty stings. It stings the heart like running alcohol and water in a big open wound. I can’t have another cut yet. It’s too soon to give me another sore to nurse.


Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/20/2007 - In past tense
Posted in poeMs

She walked the path of weak alibis
Willed herself to consider its pleads
See her hair as it limply mirrored her grief
She could not stay long
The lonely abyss had to take her

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/18/2007 - poeM24
Posted in poeMs

I made my stand
What has to pay?
In my thoughts
There lie thousands of reasons
Deep seated and shallow
They cover your existence

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/14/2007 - by Dmj* 13:18 14.04.07
Posted in poeMs

Superficial
That's what you are
And you are making me work so hard
Complicated and your hard to read
And why?
You make it hard for me
How can I win over your ego?
If I slit my wrist
Would you turn around?
If I burn myself
Would you even care?

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/14/2007 - poeM23
Posted in poeMs

Chain it deep
Abyss flattering its existence
Think not of it
An end will not be fitting
Loose cuts
Hated gashes

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/13/2007 - Summer school

April 13. Enrollment again. This is what I dislike about Nursing. We're forced to have summer classes. But, eh, I can't complain. Enrollment was pathetic as usual. We were a bit peeved by the AVRC.

Imagine I have classes daily. From 8:00-12:00 to 3:30-5:30. Great. Go work our brains out. Ugh! The afternoon class is Rizal. What is so fascinating about Rizal that we have to talk about him daily for two hours, huh? As my Philo of Man teacher would put it, we don't really need to study Rizal's life to be all that. Rizal himself didn't take up Rizal and look what he became. Philippine National Hero. I'm not downgrading Rizal or anything. The guy's a genius when it came to writing. It's just that, why do they have to ram down our throat his life? Isn't it enough that we've talked about the guy since first grade? Or studied his book in Filipino during third and fourth years high school?

Eh, don't mind me. Just ranting.

Classes start on Monday and I can't wait. I can't wait for it to end.


Comments ( 1 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/13/2007 - Story Book
Posted in poeMs
 
Silence erupts but is it fabled?
The drama of the fiction relies on its heart
It succumbs to a new chapter with haste
What had to become of the previous event?
 

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/6/2007 - Unfinished story
Posted in Stories

This was supposed to be my Filipino story but I never got to finish it and I handed in another one. Previous to this entry actually.

 

 

With signs and lights that don’t reveal

The true beginning of the end

 Ehrm"¦anong oras na ba? Hmmm"¦alas-9. Alas-9 na? Hindi pa ako nakapaghapunan. Eh, bahala na. Hindi naman ako gutom. As usual. Ano pa ba ang bago?

 Hay, ganito na lang ba palagi? Darating ako sa bahay, kukuha ng tubig, dederetso sa kwarto at magmukmok. Wala nga talagang pakialam ang mundo sa akin. Kwento ng buhay ko.

 When you cry "˜cause it hurts

Doesn’t mean that you’re not heard

Because aloud in heaven

The angels cry with you

         Psh. Talaga? Gusto yata ng kanta na pasayahin ang loob ko. Hay. Pagod na siguro ang mga anghel sa kakaiyak. Kung iisipin at bibilangin mo, ilang dram na siguro ang mapupuno sa mga luha nila. Baka nga pwede nang ipaligo sa buong barangay eh.

Uy, ano yun? Bagong message. Kanino kaya galing to? Hmmm...

Eonline has replied to your message.

Matingnan nga. z15.invisionfree.com/Photography101.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit Photography 101 ang pangalan ng forum na ito. Hindi naman mga baguhan ang mga tao dito. Hay naku. Ilan nga dito, aakalain mong mga propesyonal. Anyway, ano ba ang kailangan ng taong to? Hmmm...

Ei! Cool photos. I've never seen anything like these. But then your pictures depict gloom. Can I ask why that is? It's okay if you don't want to explain. Just curious, is all. Well, cool pictures. Hope you'll share more. Peace out! *Eonline

Cool? Bago yun ah.

Sinungaling. Palagi mo yan naririnig --- nababasa dito. Bakit kasi ayaw mong tanggapin na magaling ka talaga sa potograpiya? Maraming tao na ang nagsabi na magaling ang mga larawan mo pagkatapos nila itong makita.

Ah ewan! Bahala ka diyan. Marami pa akong gagawin. Hindi ako makikinig sa 'yo. La la la la la la...

Teka, ba't ko ba kinakausap sarili ko? Parang may split personality disorder ako. Tama na. Sasagutin ko na ang message na 'to. Ano nga ba ang sasabihin ko?  Erm...

Hey Eonline! How's it goin'? Well, thanks for your comment. 
Gloom. I'm just used to the gloom. I guess my pictures empathize with me. Nothing else much.
I do hope I'll have more to share. Thanks again.
Rock on!          ~PraeToriaN

Ayan, tapos na. Siguro naman masaya siya sa sagot ko. Hmm...teka, anong kanta ba 'to? Too Emotional. Bleah! Sunod na kanta. Sunod na kanta. 

Time, where did you go?

Why did you leave me here alone?

         Ayan! Isang magandang kanta. Ano nga ba gagawin ko ngayon? Ay, oo nga pala. Tatapusin ko ang research ko. Bakit kasi sa dinami-dami ng mga topiko, ito ang napunta sa akin? Hindi ko alam kung paano sisimulan to.

             "Mommy! Daddy! Good night po!"

 Si Ate yun. Ang aga niya ngayong matulog ah.

Si Ate. Ano ba ang masasabi ko tungkol sa kanya? 2nd year college na siya samantalang may isang taon pa ako bago makatapos ng sekondarya. Isang taon lang ang gulang niya sa akin. Na-accelerate kasi siya ng dalawang beses. Ganyan siya katalino.

            Pero hindi ko sinasabi na bobo ako. Kung mayroon isang bagay na hindi ako, iyon ay ang bobo. Matalino rin ako. Ang IQ ko ay nasa lebel rin ng IQ ni Ate. Tamad nga lang ako at ayoko kong iwan ang mga kaibigan at mga kaklase ko noh!

           Si Ate, halos maputol ang leeg sa dinami-dami ng mga medalyang nakuha niya sa kanyang pagtatapos. Lider siya ng Red Cross sa paaralan, sumusulat siya sa pahayagan, palaging panalo sa mga quiz bee at Prom Queen pa siya sa prom nila. Sa bahay, parati na lang si Ava ganito, si Ava ganyan. Kung minsan iniisip ko na si Ate lang ang mahal nila. Pero bago pa iyon paniwalaan ng utak ko pinapalabas ko na.

           Hindi sa may poot ako kay Ate pero kung minsan parang naiinis lang ako sa kanya dahil wala siyang ginagawa. Kahit na umiiyak na ako sa harapan niya, sinasabi lang niya "Huwag ka nang umiyak. Kasalanan mo naman iyon eh. Matalino ka naman; dapat hindi mo iyon ginawa." Sa halip na patahanin ako, mas pinaiiyak pa niya ako sa mga sinabi niya.

           Mula pa noong matandaan ko ay ikinukumpara na kaming dalawa. Si Ate na-accelerate ng dalawang beses samantalang ako hindi kumuha ng pagsusulit kahit kwalipikado. Si Ate lider ng Red Cross at manunulat sa pahayagan ng paaralan; ako miyembro lang ng Multer Productions. Marunong magbihis ng sarili si Ate; ako, pantalon, T-shirt at tsinelas lang ang drama. Si Ate may nobyo na at magdadalawang taon na sila. Ako naman parang pinagdududahan pa nila kung babae o ano. Para malinawan, babaeng-babae po ako. Lalaki pa rin ang gusto kong makasama. E, ano naman ngayon kung wala pa akong nobyo? Hindi naman ako mamamatay kung wala ako niyan. Tao pa rin naman ako. Hindi ako desperado na maghahanap ng pag-ibig kahit alam kong hindi pa ako handa para sa mga ganoong mga bagay. Darating at darating rin ang lalaking para sa akin. Hindi ako nagmamadali kaya hindi dapat pagdudahan ang sexualidad ko.

          Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanila na magaling ako sa potograpiya. Siguro dahil sa tuwing sisimulan kong sabihin sa kanila ay pag-uusapan muna nila ang mga responsibilidad ko at mga nakaligtaan kong gawin. Ikaw ba naman ang ganyanin, hindi ka ba mawawalan ng gana? Maraming beses na iyang nangyari at ngayon ay wala na, parang hindi na importante. Masisisi mo ba ako?

          Araw-araw, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit nila ginagawa iyon. Talaga bang suwail na anak ako? Bakit palagi na lang ang mga responsibilidad ko? Ginagawa ko naman ang mga iyon ah. Ginagawa ko naman nang mabuti ang mga gawaing bahay na itinatalaga sa akin. Alam kong may pagkukulang ako pero dapat bang palaging ganoon na lang ang pag-usapan? Paano naman ang mabubuti at magaganda sa akin? Oo nga, napag-uusapan din ang mga iyon pero bahagya lang. Mas nalalamangan pa rin iyon ng mga pagkukulang ko.

             Sa lahat ng mga sinulat at naramdaman ko, isang himala na hindi ako napopoot sa mga magulang ko. Kahit na anong mangyari, nangingibabaw pa rin ang matinding pagmamahal ko sa kanila. Kung ibang tao lang iyon, siguro ay grabe na ang pagrerebelde. Ewan ko nga kung bakit ganito ako. Bahala na. Mabuti na nga iyon.

 Siguro ang isang dahilan ay ibinubuhos ko ang emosyon ko sa mga litrato ko. Sige, hindi na ako magkukunwari. Magaling ako. Wala iyang pagmamayabang. Ang mentor ko, ilang beses nang sinabi sa akin na parang pro ang kumuha ng mga litrato. Propesyonal. Akalain mo "˜yun. Ang mentor kong mahigit dalawamput limang taon na sa propesyon niya, nagsabi ng tungkol nun sa akin na dalawang taon pa lang nababaliw sa potograpiya.


Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/6/2007 - Sentimiyento
Posted in Stories

My 11-page prelim project in Filipino. It got 88 over a hundred but I'm okay with it. After all, I only worked on it for about two hours. Wink

 

"Ned, sabihin mo nga sa akin ang totoo. Mahal mo ba talaga ako?"

 "Oo ng buong puso."

 Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso o sadyang niloloko lang ako. Hindi pa rin ako naniniwala.

 "Kung ganoon, bakit mo iyon ginawa sa akin?"

 "Ginawa ko lang iyon dahil iyon ang sa tingin ko ang nararapat."

 "Nararapat? Ned, pinabayaan mo "˜ko. Nawala ka ng isang taon. Hindi mo ako kinibo. Si mommy at daddy, nakikita at nakakausap ka. Ako, ni buhok mo, wala akong nakita, ni tinig mo wala akong narinig. Nasaktan mo ako ng todo-todo Ned."

 "Rini"¦"

 "Huwag mo akong lapitan. Huwag mo kong tawagin ng ganyan. Wala kang karapatan na gamitin iyan. Ang pangalang iyan ay ginagamit lang ng mga taong totoong nagmamahal sa akin at hindi ka kabilang doon!"

 "S*** Rini! Sa nagdaang taon, hindi nawala ang pagmamahal ko sa "˜yo. Mas lumalim pa nga."

 "Hindi ako naniniwala sa "˜yo. Kung mahal mo talaga ako tulad ng sinasabi mo, paano mo nagawang saktan ako? Mayroon ka bang ideya kung gaano mo ko nasaktan?"

 "Rini"¦"

 "Sinabi ko nang huwag mo kong tawagin niyan! Bingi ka ba o talagang walang hiya lang?"

 "O sige Mari. Masaya ka na? "

 "Ba’t naman ako sasaya, e kaharap kita."

 "Mari, maniwala ka sa akin. Hindi ko intensiyon na saktan ka. Ginawa ko lang iyon dahil...dahil...

 "Dahil ano Ned?"

 "Huwag na. Komplikado."

 "Sabihin mo sa akin Ned. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit dinurog ng kapatid ko ang puso ko."

 "Hindi mo maiintindihan ang sitwasyon Mari."

 "Ang hindi ko maintindihan ngayon ay kung bakit ayaw mong magpaliwanag. Umaasa kang mawawala lang ang hinanakit ko sa "˜yo ng ganun-ganun na lang? Ano tingin mo sa akin, tanga? Martir?"

 "Mari, hindi ko alam kung maiintindihan mo talaga."

 "Paano ko nga maiintindihan, e hindi ka naman diyan nagpapaliwanag. Sinasabi mong hindi ko naiintindihan. Natural lang, hindi ka nagpapaliwanag eh. Paano mo malalamang  naiintindihan ko o hindi kung ayaw mong magsalita diyan? Akala ko ba matalino ka Ned? Tanga ka rin pala."

 Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. "Sige, ipapaliwanag ko na sa iyo kung bakit ako nagkaganoon."

 "Sa wakas!"

 "Baka gusto mong maupo muna. Hindi mo siguro kakayaning nakatayo lang."

 Naguluhan ako pero naupo na rin. Samantala nakatayo pa rin si Ned at nagsimulang maglakad ng pabalik-balik. Ilang segundo ay huminto rin siya at tiningnan ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

 "Sisimulan ko sa pagsasabing hindi tayo tunay na magkapatid."

 Parang nabilaukan ako. "Huh? Pasensiya na, mali siguro narinig ko. Akala ko sinabi mong hindi tayo magkapatid."

 Tiningnan ko siya at umasa akong nagpapatawa lang siya. Pero hindi siya tumawa. Tumango siya at sinabing "Totoo Mari, hindi tayo magkapatid. Ampon lang ako."

 Lumaki ang mga mata ko. Sinubukan kong unawain ang sinabi niya. Paano nagyari iyon? Bakit hindi ko alam? Kalian niya nalaman? O alam na ba niya simula’t sapul pa lang? Bakit itinago sa akin "˜to? Bakit umampon sina mommy at daddy? Paano nila nagawang ilihim iyon?

 Sumakit ang ulo ko sa mga tanong na biglang pumasok sa utak ko. Parang hindi ako makahinga. Nalilito ako.

 Teka, anong koneksiyon nun sa pagpapabaya sa akin ni Ned?

 "Mari...,  nasambit ni Ned.

 Hindi ko namalayang nakaupo ni siya sa tabi ko hinahaplos ang buhok ko. Lumayo ako dali dali sa kanya at umupo sa dulo ng sopa.

 "Sinasabi ko na nga bang ito ang magiging reaksyon mo."

 "Bakit walang may nagsabi nito sa akin? At ikaw, paano mo nalaman?"

 "Ayaw nina mommy at daddy na sabihin sa atin dahil takot sila. Nakikita nila ang magandang relasyon natin bilang magkapatid at ayaw na nilang sirain iyon. Naisip nila na hindi na mahalaga na malaman pa natin na hindi tayo magkadugo."

 Wala akong sinabi pero galit at di pagkapaniwala ang nakaguhit sa mukha ko.

 "Dalawang taon ko nang alam ang tungkol dito. Aksidente ang pagkakaalam ko nito. Kinailangan ng birth certificate para makapasok ako sa kolehiyo. Naghanap ako sa drawer nila at dalawang bersyon ang nakita ko. Tinanong ko sila tungkol dito at nung una ay tinangka pa nilang itago ang katotohanan pero sa huli ay sinabi rin nila sa akin. Kinupkop nila ako noong magtatatlong buwan pa lamang ako.

 "Noong nagsisimula pa lamang ang negosyo natin, ang tagakahera noon ay isa sa mga estudyante ni mommy. Nasa third year college na siya; matalino, maganda at napamahal na kay mommy. Pero nabuntis siya. Itinakwil siya ng mga magulang niya at nilayuan ng nobyo niyang nakabuntis sa kanya. Magpapaabort sana siya pero kinausap siya ni mommy at pinayuhang huwag gawin iyon.

 "Sinabi rin ni mommy na kung sa tingin niya ay hindi niya kakayanin, pwedeng kupkupin ni mommy ang magiging anak niya. Nakumbinse ang estudyante at iyon nga, ipinaampon ang anak kay mommy at daddy. Ako."

 Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Naramdaman ito ni Ned kung kaya’t nagpatuloy siya sa kanyang kuwento.

 "Noong malaman ko iyon, ang buong katotohanan, nagkaroon ako ng kasagutan sa maraming mga bagay. Tulad ng kung bakit hindi ako lubos na mahal ni Lolo Nilo. Tutol siya noon sa pag-ampon sa akin. Alam ko na ngayon kung bakit tuwing may reunion tayo ay tinitingnan ako ng ibang mga pinsan ni daddy na parang naiibahan sila sa akin. Alam ko na rin ngayon kung paanong nangyari na bughaw ang mga mata ko samantalang kayumanggi ang sa inyo.

 "Nasagot na rin ang tanong kung bakit iba ang nararamdaman ko kay mommy, kay daddy at sa "˜yo. Mayroon talagang bagay na bumagabag sa akin pero hindi ko malaman kung ano talaga. Noon, bago ko nalaman, pinabayaan ko lang iyon at sinabi sa sarili ko na nagiging paranoid lang ako."

 Sa mga sinabi niyang iyon, namuo ang luha sa mga mata ko. Kahit na galit ako sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang maawa sa kanya. Hindi ko alam na ganoon pala ang naramdaman niya. Kahit gaano kami kalapit noon ay hindi niya ibinahagi sa akin ang mga iyon.

 Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na pabayaan na ang mga iyon at huwag nang isipin. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinairal ko ang pride ko at galit pa rin ako sa kanya.

 Muli siyang huminga ng malalim. Binuka niya ang bibig niya na parang may sasabihin pero walang lumabas. Sinara niya ito uli at tumingin sa akin na para bang takot.

 Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

 "Pagkatapos kong malaman, napasyahan kong huwag na lang sabihin sa "˜yo. Pinagpangako ko kina mommy at daddy na huwag sabihin sa "˜yo."

 Lumiit ang mga mata ko sa galit sa sinabi niyang "˜yon.

 Nang makita niya ang ekspresiyon ko, dali dali niyang sinabi, "Dahil sa tingin ko ay hindi na iyon importante. Masaya na tayo sa ganoong sitwasyon. Kapatid pa rin kita.

 "Kapatid pa rin. Yan rin ba ang dahilan kung bahit, ah"¦ewan ko"¦di mo ko kinibo ng isang taon, ha?"

 "Hindi. Hindi iyon."

 "Eh ano?"

 "Pagkatapos kong malaman, ginawa ko lang ang normal kong mga gawain. Banda, naglaro ng tennis kasama mo, pumasok sa paaralan, nang-asar. Kuha mo na siguro ang daloy.

 "It wasn’t until half a year later that I felt something different. Unti-unting nag-iba ang naramdaman ko para sa "˜yo"¦Rini."

 Pinagdilatan ko siya pero hindi ko siya sinita sapagsabi ng pangalan ko.

 "Pilit kong tinago, pinatay ang naramdaman ko pero parang mas lumakas pa. Mahal na kita Rini"¦hindi lamang bilang isang kapatid kundi higit pa."

 Nagulat ako. Nanlaki nang husto ang mga mata ko. Tumakbo ako palayo sa kanya at napaupo sa may headboard ng kama ko. Sinundan niya ako pero hanggang sa dulo ng kama lang siya.

 "Rini"¦"

 "Pakiusap, huwag mo akong tawagin ng ganyan," ibinulong ko.

 Huminga siya at tumango.

 "Maniwala ka sa akin Mari, ilang beses kong ibinunggo ang ulo ko para mawala ang naramdaman ko at para hindi ko na iyon isipin. Nung hindi ko na alam kung ano ang gagawin, pinuntahan ko si daddy at nag-usap kami.

 "Alam mo, ang bait talaga ni daddy," ang nakangiti niyang sabi. "Hindi niya ako pinagalitan o ano. Pinakinggan niya ang lahat ng gusto kong sabihin. Kung iba yun, siguro grabe na ang sermon na inabot ko. Iminungkahi niyang sabihin ko na sa iyo ang katotohanang hindi talaga tayo magkapatid. Tumanggi ako. Me and my stubborn self.

 "Hindi ako sumang-ayon kay daddy. Hindi; nag-isip ako ng ibang paraan. Hindi ako nakatulog ng ilang gabi sa kakaisip kung ano ang gagawin. Hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng sulat galing Duke. Nakapasok ako. May scholarship pa silang inaalok sa akin.

 "Inisip ko na ito na. Ito na ang pinakamagandang paraan. Lalayo ako sa iyo. Inisip ko na sa paglayo ko, unti-unting mawawala ang nararamdaman ko sa "˜yo."

 "Nawala ba?" ang tanong ko sa kanya.

 "Pinilit ko ang aking sarili na masanay na hindi ka nakikita, naririnig, naaasar o napapatawa. Masakit na masakit iyon para sa akin. Para bang sinabihan akong mayroon akong sakit na kritikal. Pero ano pa man, pinanindigan ko ang desisyon ko dahil iyon ang naisip kong nakakabuti para sa atin."

 Bumubuhos na ngayin ang luha ko. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang patahanin ako at punasan ang mga luha ko pero umiling ako.

 Nagpatuloy siya. "Noong isang linggo ay bumisita ang kapatid ng roommate ko sa kanya. Ang saya nila. Parang tayo noon. Nainggit ako. At doon ko nga natanto na hindi ko kayang mawal ka. Espesyal na espesyal ka sa akin at hindi ako makapinawalang hinayaan kitang lumagay sa dilim."

 Tumahimik lang ako at pilit kong inintindi ang kanyang mga sinabi. Sinubukan kong tingnan ang kuwento sa ibang angulo kung saan magiging protagonista siya. Pero hindi talaga. Kahit saan ako tumingin, masama ang isinisigaw. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon sa akon. Ang laking tanga ko.

 "Um Mari, ito ang pinakamagandang panahon para magsalita ka na"¦"

 "How could you?! Paano mo "˜yon nasikmurang gawin?! Pinagkatiwalaan kita at iyon lang ang inabot ko sa "˜yo? Alam mo ba kung gaano kalaki ang epekto ng ginawa mo sa akin?

 "Hindi na ako naglalaro ng tennis, Ned. Alam mo kung bakit? Dahil tayong dalawa ang palaging naglalaro nun. Tatak na natin yun. Minahal ko ang tennis dahil sa "˜yo. Bumaba na rin ang mga grado ko. Ang Math mula 96 naging 89. Ang Social Studies mula 92 naging 88. Kahit PE na nga lang eh bumaba pa. Ilang beses na rin akong napapunta sa Guidance Office. Tatlong beses sa isang buwan. Kung swertehin, dalawang beses lang."

 "Anong dahilan ng pagpapapunta nila doon sa "˜yo?" Ang mahina niyang tanong.

 "At ngayon concerned ka? Sasabihin ko sa "˜yo kung ano. Ang biglaang pagbaba ng mga marka ko, ang pag-away ko sa loka-lokang cheerleader na habol nang habol sa "˜yo, sa di pag-respeto ko sa isang guro, sa pagliban ng maraming beses sa klase."

 "Mari"¦"

 "Ikaw ang dahilan ng lahat ng yun Ned. Ikaw. Nasaktan ako ng todo sa ginawa mo. Akala ko nung una dahil abala ka lang. Bagong eskwelahan eh. Lilibutin mo muna, aalamin ang pasikut-sikot, maghahanap ng mga makakasama, at marami pa akong idinagdag na dahilan para sa "˜yo. Pagkatapos ng isang kapat sa amin, hindi ka pa rin nagpakita. Nalungkot ako pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Naghanap pa rin ako ng mga dahilan para ipaliwanag ang ginagawa mo. Siguro bawal doon ang mga cellphone o computer. Halatang hindi kapanipaniwala pero pinaniwalaan ko mandin.

 "Nag-iba ang pananaw ko noong nagsimula ang ikalawang semestre. Limang buwan na ang nagdaan at hindi mo pa rin ako kinikibo. Tinanong ko si mommy tungkol doon at alam mo kung ano ang sagot niya? Biruin mo, sinabi niyang baka nag-o-overreact lang daw ako. Ang nanay ko hindi man lang pinabuti ang pakiramdam ko.

 "Nakikita mo ba ang mga litratong yan sa mesa? Mga gawa ko yan. Ipinasok ko ang karamihan diyan sa isang photo exhibit sa paaralan. Nanalo ako ng unang gantimpala. Magaling daw, puno ng emosyon. Ang hindi lang nila malaman at maintindihan ay kung bakit sa dinami-dami ng mga emosyon, lungkot at pagkabigo ang napili ko. Hindi ko na sinagot. Baka bumula pa ang dugo ko ng wala sa lugar. "

 "Mari, hindi ko sinasadyang saktan ka."

 "Hindi mo sinasadya? Okey ka rin ano"¦"

 "Wala sa plano ko ang saktan ka. Gusto ko lang mawala -"

 "Wala ka nang magagawa Ned. Sinaktan mo na ako. Parang unti-unti mo akong pinatay sa ginawa mo."

 "Nasaktan din ako, alam mo ba yon?"

 "Wala na akong pakialam doon at dapat lang naman na masaktan ka. Pinili mong gawin iyon kahit alam mong walang kuwenta iyon."

 "Kung masakit para sa "˜yo, mas masakit para sa akin."

 "Anong alam mo sa sakit na nararamdaman ko ha?" ang naisigaw ko kay Ned. "Di ba Ned, matalino ka? Sana bago mo iyon ginawa, inisip mo muna ang sakit at hirap na mararanasan ng ibang tao."

 Lumapit siya sa akin. "Akala mo ba gusto kong gawin iyon? Wala akong ibang choice!"

 "Walang choice? Mayroon Ned. Sana sinunod mo na lang ang payo ni daddy na sabihin sa akin ang totoo."

 "At magiging komportable ka ba kapag sinabi ko?"

 "Hindi pero mas magiging mabuti ang sitwasyon."

 "Anong ibig mong sabihin?"

 "Kung sinabi mo ang totoo noon, napag-usapan sana natin ang tungkol sa nararamdaman mo. Iyon lang ang magiging sentimyento natin."

 "Lang?" ang nalilito niyang tanong.

 "Oo, iyon lang. Hindi tulad sa sitwayon natin ngayon. Nagsinungaling ka sa akin, pinabayaan mo ako, ginago mo ako, sinaktan mo ako at nariyan pa ang nararamdaman mo. Nawala na ang respeto ko sa "˜yo Ned. Napalitan na iyon ng galit at poot."

 "Mari, alam kong nagkasala ako at pinagsisisihan ko na iyon kaya sana patawarin mo na ako."

 "Hindi lang ganyan kadali yon Ned. Ang laki ng gusot na pinasukan mo. Ikaw na mismo ang naghukay ng butas na iyan."

 "Mari, pakiusap"¦"

 "Congratulations sa plano mo Ned. Unti-unti na nga akong nawawala sa buhay mo.

 "Pero ayoko"¦"

 "Isa kang basura sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit nag-aaksaya pa ko ng hininga sa "˜yo. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa mo iyon. Bumaba ang pagtingin ko sa "˜yo. Siguro hindi kita ganun ka kilala. Hindi ka karapat-dapat sa respeto at panahon na ibinigay ko. Maraming nawala sa akin nang dahil sa "˜yo. Kung mayroon ka pang pakundangan, aalis ka sa harapan ko."

 "Pero Mari"¦," ang sambit ni Ned sabay tulo ng mga luha niya.

 "Ngayon na Ned."


Comments ( 1 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
4/2/2007 - 01.04.07
Posted in poeMs

Tell me, is this real
Or just want I want to feel
I say you're so blunt
And you deem me too cold
We're in a never ending cirlce of tragedy

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
3/31/2007 - bday ni mykeL

Today is Michael's birthday. I wish I could see him and greet him personally but I can't since he's in Mambucal and I'm here in school. He turns nineteen today. Haha  I can't believe how old we're getting. It just seems like yesterday, we were worrying about our assignments in school, the projects and the high school exams. I remember since ninth grade, Michael has always been my partner in these school stuff. Whenever the teacher said to look for our own partners, we would automatically looked at each other. The one thing that Michael will will never outgrow and always bring with him is being the master of the teasings. He really likes to tease everyone. With Melissa, he would always joke that the foundation of their friendship is the teasings. Hay Michael. I also was once a victim of his. In ninth grade, whenever he had the chance, he would tease me and the object of that tease is right beside us. Of course I would then chase him all around the room. But it was through him that I learned to control myself and not let anyone easily get under my skin just because of a tease. I love Michael to death.

We really need to get Michael a girl...someone who can control this infamous behaviour of his. I wonder where she is?

Happy Birthday Tito Kuya!

 


Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
3/30/2007 - The Other One
I hate my life right now. Dmj* says he really likes me and all that crap. But then I find out from his friend that he is still with his girlfriend. Why is he doing this? Why am I being played? How can he do this? Isn't this just great. 

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
3/30/2007 - Twofold
Posted in poeMs

Tell me, is this real
Or just what I want to feel
It’s been two days
And I don’t get our ways
Now I learn something
And I don't like what it will bring
You like me but you still have her
I am the other
How could I trust you?
It was just all about you
I won't resolve to crying
But inside, I know I'm dying 

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
3/29/2007 - I l*ke you...okay what now?

I don't know what to do, what to think, generally what to make of everything else. 

I have a friend who I've had a cold relationship with for the past five or so months. We were just being civil to one another and spoke only for business terms. The other day, he posted a reply to my other blog saying that something was bothering him for a month now and he was confused as to say it to me or not. Yesterday, I finally got it out of him. Weird, he says he likes me.

I was shocked of course and I even thought he was joking but no. We were talking yesterday and we tried to repair our cold friendship. He asked me why the friendship has gone cold. I wish I could tell him a very good reason for that but honestly I can't because I can't pinpoint exactly what, where and why it went wrong. But I do remember one reason. It's his girl.

He seems to be flirting and stuff but there's one very big thing bothering me. He has a GIRLFRIEND. Although she's not here, that still doesn't erase the point that he's already in a relationship. Pakshet!

Why? Why? Why? 


Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
3/28/2007 - No more
YES! Exams are over! Well, we still have PE on Friday but who cares? That would just be easy. Yay! I'm really thankful that the Microbio exam is already over. Phew. It's just frustrating because most of what came out in the exam were items I didn't realy study for. Why is that that when there is a test or exam, the things that you really studied for only have a few items and those that you paid little attention to gets more of the questions? Whatever. At least it's over now. Summer vacation, here I come (even though it is just for 2 weeks).

Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
3/26/2007 - Exams

It's Monday and exams start on Wednesday. I'm lucky that I have no class tomorrow. For Philo of Man, I'm excempted from the endterm exam already so I don't have to take the oral exam tomorrow. For RS and Microbio, our teachers were generous enough to give us no classes. I love them for that. I'm also excempted for the RS exam but for Microbio, sadly no. She doesn't even give excemptions. We all need to take the exams. But if there were excemptions, I think I would be one of them...or maybe not. Whatever. 

I really need to start studying for the exam but I'm too lazy to start (as is the case always). The Microbio exam only covers chapters 16 and 17 but then that's more than 40 pages. Great. I just hope I won't bang my head on the wall due to frustration on this thing.

Okay. I really need to stop blogging... 


Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
3/23/2007 - Resolve that Marijuana be NOT Legalized for Medical Use

This speech helped me become the best speaker in our Logic debate a few weeks ago. Personally, I don't have any stand with regards to this issue. This speech was written to point out faults against marijuana usage so if you disagree with it, please don't attack me personally. Laughing

    We cannot and certainly do not deny the fact that marijuana has indeed some medical use. But, while that us true, there are also other issues, things, concerns that cannot and should not be neglected. First in the list is the negative effects.

    Let us take glaucoma as the first example. Glaucoma is a disease leading to blindness. Marijuana us suggested to lower the intraocular pressure in the eye. It sounds good but the thing is, it doesn't do so safely and effectively as it causes the optic nerve damage. Plus, the National Eye Institute has noted that following it, there are unacceptable level of undesirable side effects such as euphoria, systemic hypotension, dry eye and conjunctival hyperemia. Note that it's a number of negative effects against only the lowering of intraocular pressure.

    The Institute of Medicine has stated and I quote, "accumulated data indicate a potential - take note, only a potential - therapeutic value for cannabinoid drugs, particularly for symptoms such as pain relief, control of nausea and vomiting, and appetite stimulation. We'd rather not argue with that but let's dig deeper.

    Marijuana possess immunosuppresant properties. It produces impaired-cell mediated and humoral immune system responses. Meaning, it suppresses antibody formation, cytokine production, leukocyte migration and natural killer cell activity. For a moment of relief and "high," it leaves the patient very susceptible to the many virus and pathogens lurking everywhere. It is further immunocompromising the health of the patient.

    Next on the list is patients who cannot benefit from the drug. Marijuana cannot be used by adolescents whose neuro-hormonal systems are in process of development and integration. Epileptics are also not to be given the drug for it can induce epileptiform seizures. Also, persons with a tendency to schizophrenia dn mental illness are not to be given for the drug meddles in their memory formation thereby creating more muddles in their "reality." To men and women who want to have children, it is not advisable to have marijuana for the drug brings risk of fertility problems. Add to that the immunosuppressed patients for reasons I have mentioned earlier. Exclude them fromt he list of possible patients to be treated and what would be left is a very little number of patients that can "avail" of the said cure. taking note of this, it is difficult to understand as to why pick up so big of a fight against our case when its availablity will only benefit so few a number.

    Another thing. In truly noting the efficacy of marijuana as a medical drug, we should not only focus on the short term effects - some of which are positive - but also on the long term effects that it will bring. There have only been limited research about this and it doesn't look promising for the affirmative side. The effects are not well established.

    Patients with chromic disease, to have relief, take in small doses of marijuana. THe pains of the the disease though do not only come once or twice but multiple times. In these multiple times, the patient relying on the efficacy of marijuana also takes the drug multiple times. This frequent and prolonged use would lead to clinically significant impairments of the immune system function. A reason behind this is that prolonged marijuana use produces both pharmacokinetic changes (how the drug is absorbed, distributed, metabolized and excreted) and pharmacodynamic changes (how the drug interacts with target cells) to the body. THese changed require the patients to consume higher doses to achieve a common desirable effect and reinforce the body's metabollic systemsfor synthesizing and eliminating the drug more efficiently. The more the intake to relieve the pain, the higher the doses. Higher doses of marijuana translate to more negativities. Distortion in time and space perception, altered body image, inhibition of locomotion, auditory/visual hallucinations, ataxia, depersonalization and last but not the least addiction itself. It is unfair to relieve a person of a pain today and yet cause twice the pain tomorrow.

    I wish to say more but I only have limited time. To end, I would like to reiterate this: we know and accept the fact that marijuana somehow has medical use but it is empowered by the overwhelming negativities. With that, we firmly resolve that marijuana be not legalized for medical use. 


Comments ( 0 ) :: Post A Comment! :: Permanent Link


Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit