Random Blog
Join JournalHome.com.
Create your own free blog today.
Create Your Blog
Flag this entry/bog.
It will be manually reviewed.
Report This!

All About what I like in life....My Life's Journey

3/23/2005 - Ang tamang Panahon



Nung first year highschool ako una ko siyang nakita. Napahinga pa
nga ako ng malalim habang hinahawakan ang armchair ng mahigpit nung
pumasok siya sa classroom. Wow, sabi ko sa sarili ko, Ito ang
lalaking magpapamemorable ng life ko. At naging siya nga.

So, ayun nagkakilala kami. "O eto si .." sabi ng common friend namin
ako naman si " Ay, Nice to meet you.. "( kunwari pa kong di alam ang
name nya eh ultimo kung saan siya may nunal sa katawan eh alam ko
na) with matching pa cute na smile at looking at him from head to
toe. Na amazed pa nga ako kasi ang linis-linis nya at
humahalimuyak ang pabango nyang Hugo Boss.. Aaah!!! Pwedeng-pwede!!
Ngumiti lang siya sa akin with matching takip ng panyo sa mouth
niya. Aba, mahiyain... hmm....
Teka...

Ayun naging friends kami. Tawagan sa phone, text sa cellphone
exchanging sweet messages throughout highschool. Hanggang naramdaman
ko na lang nung isang ara! w... Yak.. inlove na yata ako!! Hindi naman
pwede kasi may nililigawan siya, at nung binasted siya, may
niligawan na naman siya at syempre ako hindi man lang niya ako
niligawan. Siguro kasi pag niligawan niya ako wala ng challenge!!!
At parang ako na ang nanligaw! Kasi naman lagi ko siyang binibigyan
ng gifts pag may occasion basta kung anu-ano ang binibigay ko sa
kanya. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit pero napansin ko ni
balat ng candy wala siyang binigay sa akin.. kung meron man eh isang
= crosswise na paper na sapilitan ko pang hiningi ka sa kanya para
naman may remembrance ako nung minsan naging magkaklase kami.

Pero in fairness sinayaw naman nya ako nung 2 proms namin. Nandun
yung hinawakan nya yung kamay ko papunta sa dance floor infront of
everybody na halos mapaiyak ako sa sobrang saya at naisip ko na lang
na ayokong matapos ang gabing yun. Sa dami ng napagdaanan ko nung
minahal ko siya, napagod na rin ako nung may nil! igawan uli siya.
Hindi na ko makatiis hanggang nung Graduation namin inamin ko sa
kanya na mahal ko talaga siya since first year. Wala akong pakialam
kung anong isipin nya basta ang alam ko kailangan ko na sabihin
dahil baka hindi na kami magkita. Nakatingin
lang siya sa akin huminga sya ng malalim at bigla niyang
sinabing.. " Kasi... ano...Friends lang talaga eh." sh*t!!!! Nanlaki
ang mata ko non tapos bigla na lang ako tumawa ng malakas "Sabi ko
nga eh. Hahaha!" with matching hampas pa sa braso niya. Tapos non eh
pinilit ko siyang kalimutan.

Nag college na ko maraming cute pero .... Haaay.... Wala pa ring maka
higit sa kanya. May nanligaw naman sa akin nung mga time na yun,
Isang cute na fil-am, yung coqo kong friend at isang cute na guy
na mas bata sa kin ng 3 yrs kaya lang hindi ko sila maiwasang I
compare sa kanya. Bakit siya cute sya ngumiti? Bakit siya ang
napapangiti niya ako ? Sasagutin ko na sana yung isa dahil hindi naito
normal! Goodluck! Hindi ko pa rin kaya! Bigla kong naisip na
KUNG HINDI LANG SIYA.. WAG NA LANG. Naisip ko na minsan lang pala
ako umibig.Naisip ko na sa isang lalaki ko lang pala gagawin yung
mga kagagahan at kamamasangan ko. Siya lang talaga ang hinihiyaw ng
puso ko. Haaay.. nakakainis!!!

Anyway, hindi ko na siya nakita for 5 years, pero nababalitaan ko pa
rin yung mga nangyayari sa kanya. Gumraduate na siya.. (Uuuy,
Congrats!), May trabaho na siya ( Goodluck sa job!) May
girlfriend na siya ( I'm happy for you...waaah!) at kung anu-ano pa .
Tutal naman may career
na ko and the money's good at naalagaan ko yung parents ko and I can
hang-out with my friends kaya okay lang pero... parang kulang pa rin
dahil naiisip ko pa rin siya. Mas mabuti na rin yung ganito kasi
ayun nga sa kanta " I'll know I'll never love this way again"
hindi na ko makakapagmahal ng todo-todo na umaapaw uli sa isang
lalaki.

Isang hapon habang nagd! adrive na ko pauwi napasabak pa ko sa
traffic. Napatingin ako sa kanan ko sa katabi kong car. Napansin ko
pa nga yung kamay ng driver. Naalala ko yung kamay nung minahal
ko sa sobrang kakatsansing sa kamay non eh syempre sinong di
makakamemorize non noh! Anyway, tumingin na ko sa highway. Grabe
traffic pa rin!! Birthday pa naman ng friend ko nung highschool at
excited na kong makipagtsismisan. Pagtingin ko uli sa kanan sa
mamang may cute na kamay eh bigla akong nagulat nakatingin pala sa
akin yung driver. Ako naman tong si iwas. After kong nabigo sa pag-
ibig nung highschool eh nagsusuplada na ang lola niyo .

After ng matagal na traffic eh nakarating na ko sa party ng friend
ko syempre walang humpay na tsismisan at tawanan at balitaan sa mga
buhay-buhay namin. Biglang may dumating na car na parang
familiar sa akin tapos biglang bumaba yung tao sa loob .. Biglang may
nagsalita sa likod ko " Hoy, pare!! Ang tagal mo!" bigla siyang
nagsal! ita with matching punas ng panyo sa noo. " Traffic eh." With
matching ngiti at humalimuyak na naman ang Hugo Boss sa ilong ko.

O, HINDEE!! ANG LALAKING NAKASABAY KO SA TRAFFIC NA MAY MAGANDANG
KAMAY......

Biglang sabi ng friend ko sa kanya " Teka naalala mo pa ba si...?"

AY WALANG IBA KUNG HINDI ANG TANGING LALAKING MINAHAL KO ALL MY
LIFE.

Gusto kong magpalamon sa lupa, magpakalunod at sakalin ang friend ko
sa sobrang hiya. Hindi pa ko handang makita siya!!!

Bigla siyang tumingin sa akin at sinabing." OO NAMAN. ALALANG-
ALALA."

Whaaat?? Ano uli???

Naalala nya pa ko!!!

At ang hayop kung kaibigan ay iniwan kaming dalawa. Ayun, tanong sya
sa kin ng tanong sa buhay ko. Nag-alok siayng ihatid ako sa bahay
sabi ko may car ako. Tumawa siya at sabi niyang "Oo nga ikaw nga
yung nakita ko sa traffic!!"


Lagi niya akong sinusundo sa office ko, nagdidinner din kami at
syempre tinatawagn niya ako sa baha! y ko gabi-gabi. Hindi ko alam
pero parang bumaligtad yata ang mundo!

After 2 months, naging kami.

After 1 year, nagpakasal na din kami.

Before kaming ikasal sinabi niya sa akin

" Naalala mo nung gumraduate tayo at pinagtapat mo sa akin na mahal
mo ko?" Namula na lang ako bigla at nag joke " Ah.. yun? Bata pa ko
non!"

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at sinabing " Hindi na tayo bata
non. Mas pinili kong makakilala ng mga maling babae kesa maging
tayo sa maling panahon na hindi pa tayo handa. Unang kita ko pa lang
syo, narandaman ko na ikaw na ang babaeng para sa akin"

Napatingin muna ako sa kamay niya na buong highschool kong
pinagnasaan at sa mukha nya. Ano ba to!! Naiiyak ako kasi naiiyak
din siya. Totoo ba ito?

At naramdaman ko ang yakap sa amin ni LORD...

Kami nga talaga para sa isa't isa

At ito na nga ang tamang panahon...|

Post A Comment!

3/24/2005 - naksss..: )

Posted by frigginbored
alam nyo po, naiiyak ako noong nabasa ko ung entry nyo........waaaaaaahhh!!!!!ang sweet sweet at napakromantic naman ng buhay nyo!!! waahhh!!! ang ganda po!! hehehe!! 14 years old na babae pa lamang ako kaya po i'm letting out a teenage scream..heheh..deserving namn kayo na magkaroon ng ganyong life kasi matiyaga kayo at marunong kayong magmahal ng tunay, at sana paglaki ko po, matuto din ako! naku, noong nakita ko po un sa home, punta na agad! hehehe! sige po, gud luck na lang sa inyong "husband"...heheheh!! ang saya!!!! congrats po sa inyong dalawa!!!hehehehe!!waaahh..mistulang "a walk to remember", pero wag naman sana na me sakit kayo..hehehe!! take care po! pede ko po ba kayong maging friend!?! hehehe! haaaaaaaaaayy..buhay, parang life..
Permanent Link

Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
<- Last Page :: Next Page ->

About Me

This website will show what i like and things that fascinate me. Things makes me happy or sad. The expression of my deepest thoughts if ever there is. :p But simply this is a reflection of ME...

Links

Home
View my profile
Archives
Email Me
portfolio