Random Blog
Join JournalHome.com.
Create your own free blog today.
Create Your Blog
Flag this entry/bog.
It will be manually reviewed.
Report This!

CaTiCaT's CuBbYhOLe c",)
About Me

My life has always been an open book. Let's keep it that way. No pretenses, no BS, all pure self-expression for the love of love, truth, honesty and justice. 

I am an aspiring photographer, DJ, artist, writer, composer, singer, makeup artist, host, manager, educator, cook, explorer, traveler, certified diver, PCGA member, businesswoman/entrepreneur, full time wife and mother all in one - some I have done, the rest to follow in God's time c",)

Join me in my journey through this so-called life. You are most welcomed to tag along and touch as many lives as you can! :)





Recent Posts
Menu
Calendar
«  May 2012  »
MonTueWedThuFriSatSun
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031 

Friends
Links


Entry 1 of 170
Last Page | Next Page
4/19/2010 - mga kaluluwang ligaw
Posted in Unspecified
Sa kabila nang paglipas ng panahon may mga pangyayari pa rin pala sa buhay nang isang tao na hindi niya makakalimutan kahit humigit-kumulang isang dekada na ang nakaraan at marami nang mga pinagdaanang kalungkutan at kaligayahan sa mundo. May mga naudlot na pagsasamahang saka pa maitutuwid ang mga pagkakamali o mahilom ang sugat o di kaya'y magkaroon ng sinasabing pagkakasara ng mga naiwang bukas na katayuan sa pagkakaugnay ng dalawang kaluluwang batid lamang ang pagkakaibigan at pag-ibigang dalisay at wagas na hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay hinahangad pa ring mabigyan nang katuturan ang mga pangakong nabigo ng tadhana.

Sabi ng kaluluwang ligaw, bumabagabag pa rin sa saloobin niya ang mga pagkukulang niya sa nakaraan datapwat wala namang dapat punuan ang kung anumang kamaliang naganap maliban nalang sa hindi paghatid man lang nang pasintabi sa paglahong biglang di malaman kung ano ang kadahilanan. Kalaunan ay inihayag din ang tunay na nararamdaman sapagkat hindi na kayang lunukin lahat ang pasan niyang pahirap sa kaibuturan ng kanyang puso. Hindi pa pala naglaho ang taglay na pagmamalasakit at pag-irog na sa pagdaan ng panahon ay lalo lamang napunan ng bugso ng pag-asang saka-sakaling magtagpo muli ang landas nilang dalawa.

At kung sakaling ganun na nga at magtagpo, ano naman ang maaring kahihinatnan nilang dalawa na kung tutuusin ay maraming pagkakasikotsikot sa kani-kanilang mga buhay. Walang maaring mangyari sa pagtatagpong kahit mga puso ma'y gustuhin ay hindi naman nararapat at hindi dapat mabigyan ng kulay. Walang saysay. Walang pwedeng mapaghugutan nang anuman. Walang simula ni katapusan. Pero kung mayroon man, mas nararapat lang na wakasan.

Hindi pa batid ng dalawang kaluluwa ang pagtatapos ng salaysay na maaring kathang-isip lamang o maaring makatotohanan. Pero kung tutuusin, kahit na ang mga puso'y hindi na bukas sa mga palaisipang magdudulot lang ng mas nakakalalang sitwasyon hindi pa natin batid kung ang puso't isipan ay nasa iisang panig ng kuwento.

Maaari bang maitadhanang magkita muli ang dalawang kaluluwang sabik sa pagtatapos ng mala-nobelang salaysay ng kanilang dating pag-iibigan? Maaari bang mabago pa ang ihip ng hangin sa oras na magkaharap? O, mas ikakalayo ng agwat nang kanilang pagkakakilanlan sa kanilang muling pagtatagpo? Tanging si Amang Panahon lamang ang makapagsasabi.
Share |
Post A Comment! :: Send to a Friend!

Notify me of followup comments via e-mail.

Entry 1 of 170
Last Page | Next Page