Random Blog
Join JournalHome.com.
Create your own free blog today.
Create Your Blog
Flag this entry/bog.
It will be manually reviewed.
Report This!

CaTiCaT's CuBbYhOLe c",)
About Me

My life has always been an open book. Let's keep it that way. No pretenses, no BS, all pure self-expression for the love of love, truth, honesty and justice. 

I am an aspiring photographer, DJ, artist, writer, composer, singer, makeup artist, host, manager, educator, cook, explorer, traveler, certified diver, PCGA member, businesswoman/entrepreneur, full time wife and mother all in one - some I have done, the rest to follow in God's time c",)

Join me in my journey through this so-called life. You are most welcomed to tag along and touch as many lives as you can! :)





Recent Posts
Menu
Calendar
«  May 2012  »
MonTueWedThuFriSatSun
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031 

Friends
Links


Entry 1 of 170
Last Page | Next Page
1/14/2011 - bituin
Posted in Unspecified

bituin

by Catherine Gabronino on Tuesday, May 18, 2010 at 9:49am


ang mga bituin sa langit
ay mga perlas na kumikislap 
para bigyang buhay ang kalagitnaan 
ng kadiliman ng kalangitan


ang mga bituin na nagbibigay patnubay
at pag-asa sa mga mandaragat 
sa kalaliman ng kadiliman 
sa kalawakan ng karagatan

at namamayagpag sa kailaliman ng kaibuturan 
ng pusong saklaw ay pag-asa 
sa pagnanasang maaninag muli 
ang liwanag ng iyong mala-bituing ngiti 
sa malalamyos mong labi

datapwa't makulimlim ang kapaligiran 
sa pananaw ng mga kaluluwang naliligaw ng landasin
ang matanaw lamang ang iyong matamis na ngiti 
ng iyong kariktan ay sapat na upang pawiin 
ang anumang paghihirap na nadarama

subalit pilit mang makalimutan ang hirap 
na danas ng saloobin sa lawak ng puwang 
na namamagitan sa ating mga pusong 
uhaw at sabik sa pagmamahal na batid

gaano man kalayo ang daang tahakin; 
gaano man kalalim ang karagatang tatawirin;
gaano man kadilim ang mga gabing titiisin; 
ang magisnan ang iyong ngiti ay sapat nang gantimpala
sa anumang pagsubok ng kapalarang tatahakin natin

di pa rin lubos maisip 
na sa kahabaan ng panahong dumaan 
ay ikaw pa rin tanging nilalaman ng pusong 
hinahagilap ang yakap mo sa tuwina

di man matunton o ma-abot ng pag-iisip ng nakakarami
may mga nilalang na makakakilala sa busilak 
na kagandahang kalooban na natatago 
sa tunay na tamis ng ngiti na nagpapatunay 
sa kalinisan ng puso ng iilang natatanging biyaya 
ng kalikasan na tulad mo

(a collaboration between Makata and Fallen Angel)

Share |
Post A Comment! :: Send to a Friend!

Notify me of followup comments via e-mail.

Entry 1 of 170
Last Page | Next Page