Here is an entry from my cobweb-gathering diary. I just wrote it last night with Mr. Okubo. DOn't ask.
*tagalog mode*
Ngayon ko lang yata na-realize. Ewan ko talaga kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang alam ko, papatay ako ng palaka para sa kanya, tatapak ng tae para sa kanya, magpaparaya ako para sa kanya. Actually, umiyak at nagbawas na ako ng pera sa kanya. Malala na talaga ang tama ko. Mahal ko siya...pero bilang..ano nga ba?
bilang si "bespren"
o bilang si "Dong"?
Sa totoo lang, lagi nalang akong tulala sa langit ngayon. Hindi ko maintindihan kasi kanina ko pa siyang hinahanap at kaninang-kanina pa akong nauutot sa pag-aalala kasi nasa Mindoro siya. Hindi matanggal sa isip ko. Isa pa noong taga-Tiaong nga siya at nandon pa ang NPA noon. Hay ewan. Parang naisip ko na nag-aalala talaga ako at ayokong mawala siya. Kanina nalungkot ako dahil gusto ko talaga siyang yapusin. Kasi gusto ko siyang batiin ng Merry Christmas.waaah. Nagiging mababaw na talaga ako!! Natuwa naman ako dahil akala ko yung akbay niya last year ((sophomore: March 2, 2005...ehehe)) ang kahuli-hulihan na. Naakbayan niya ako kahapon. Ang mokong ko talaga kasi nilibre ko siya dahil utimong kasingnipis na niya ang toothpick ang katawan. Hay ewan talaga. Hindi yon tatagal ng may gf. Hehehe.
Mahal na mahal ko ang gagong iyon. Mahal ko siya bilang bespren at wala akong balak na sambahin siya eh ultimong ang tawag ko sa kanya ay gago...hahaha...ayokong magpaka-hipocrita at sasabihing hindi ako masaya 'pag andyan siya... Pero hindi ko talagang alam kung may gusto ako sa kanya kaya hindi ko alam kung hipocrita nga ako((ano ba yun, "k" o "c"?))
Hindi ako nagseselos dahil may gusto o wala man ako sa kanay. Nagseselos ako dahil tinawag nga naman niya akong "bespren" eh parang 'di niya ako mabigyan ng time. Ako nga lang siguro si tangang kinarir ung "bespren"...pero sana malaman niya na pwede akong sabihan ng problema, iyakan o sandalan. Sana malaman niyang ayokong lumapit sa kanya dahil hindi ko alam kung kailangan niya ako. Kinarir ko nga ang pagiging bespren namin dahil gusto ko siyang alagaan at hindi siya mahirap mahalin. Hindi ko alam kung salita lang ang bespren para sa kanya. Ang ayoko sa lahat ay isinisiksik ko lang ang sarili ko ang sarili ko sa taong ayaw naman non. Dahil ayaw ko sa ganong tao. Kailangan ko lang ang sabi niya. Kasi parang pansin ko masyado siyang maraming kaibigan para kailanganin niya ako. Nadyan silang lahat para sa kanya at parang hindi na niya maiisip na ako nga pala iyong taong tinawag na bespren niya. Masaya ako kung maasahan niya ako. Na kahit papaano 'pag may nagtanong,
"Sino ba 'yun?"
"Si Xerez? Aba, bespren ko iyon!"
Na hindi mo ikahihiyang kahit sobrang magkaiba tayong dalawa,
matangkad ka/maliit ako
math/bulok
bulok/english
palakaibigan/suplada
mahiyain/prangka
athlete/bulok ang katawan
naive/sensitive
Na kahit ganun, besprens tayong dalawa. Na mabibigyan mo ako ng compliment balang araw. Na magagandahan ka sa akin kahit parang yagit na ang mukha ko.Dahil ako, kung tatanungin mo, kahit nilaslas na ang mukha mo ng kalmot ng liyon, gwapo ka pa rin para sa akin... kahit laging kulay tae ang suot mo, sasabihin kong ayos lang...
"Sino yun?"
"Si Dong? Aba, bespren ko!"
-end of entry-
whoever you are, shut up.
|