Random Blog
Join JournalHome.com.
Create your own free blog today.
Create Your Blog
Flag this entry/bog.
It will be manually reviewed.
Report This!

Emotions and Recollections Going Haywire

3/16/2006 - PAOLA
Posted in Unspecified

Sinisipsip mo ang katinuan ko, kinakain ng pagkaalis mo. Bawat malagim na segundong aking inihaharap sa buhay ngayon, ninais kong umiyak, ninais kong ibuhos ang galit ko sa mundo, ninais kong sisihin Siya dahil ika'y lumisan sa tabi ko. Aking naisipang umiyak na lamang. Aking pinlanong sana'y lamunin nang biglaan ng lupa, mawalan ng malay, at kalimutan ang mga bagay na tungkol sa iyo na nagdudulot ng sobrang sakit sa aking nagdurugong puso.

 

Masakit ang makitang ikaw, sa lahat ng tao ang biglang dumayo sa isang lugar na kung saan ay hindi ko kayang abutin. Tila mga tala ang aabutin upang makita ulit ang ngiti mo. Siguro naiisip mong ang "corny" ko dahil sa mga salitang aking binibitawan, patawarin mo ako.

 

Best.

 

Ikaw lang ang nagbigay-kulay simula noong masilayan ko ang kulot mong mga buhok, balingkinitang pangangatawan, payat, maputing balat at singkit na mga mata. Naalala ko ang bawat minutong pinagsamahan natin, ang bawat araw na pinagtawanan at kinagalitan natin...

 

Hindi ko kakayanin..ngunit kung ang lahat ng ito'y daraanan ko sa paghihintay sa pagbalik mo...

 

Gagawin ko ang lahat, makita lang muli ang ngiti mo.

Maramdaman muli ang yapos mo.

Mahawakan muli ang kamay mo.

Makwentuhan muli ng mga sikreto ko.

Mapakinggan muli ng mga kwento mo.

Makitang muli ang BESTFRIEND ko.

 

Best, miss na talaga kita.

 

Ayan, pinapapaiyak mo na naman ako eh...

 

Kaw talaga.

 

Babalik ka, hindi ba?!

 

Kasi...sinayang mo ung coupon ko eh.

 

Hihi...

 

PAOLA ARMINA A. GALVEZ!

 

MAHAL NA MAHAL KITA BEST!

Share |
Post A Comment! :: Send to a Friend!

Notify me of followup comments via e-mail.

Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
About Me

A diary in which it can still be called , though my pages have turned to be a little too different. My life. My pensive moods. My drabbles. My self.

Recent Posts
Menu
Calendar
«  May 2012  »
MonTueWedThuFriSatSun
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031 

Friends
Links


Entry 1 of 193
Last Page | Next Page