Iniisip ko na balang araw, darating ang panahon na may sasabihin siya sa akin. Malamang at malaki din ang porsyento na magaganap iyon sa aking hayskul. Sana nga ngayong hayskul para naman...pigilan ko ang sarili kong humawak. Para kayanin ko. Kasi baka mamaya, talagang humawak na ako, bigla pala siyang bibitiw! Ay, hala ka! Saan kaya mahuhulog ang nene?
Siguro magmumukha akong malaking tanga. Iyong tipong iisipin ko kung ano kaya ang naiisip noon habang sinasabihan ko siyang mahal ko siya, na namimiss ko na siya, na gusto ko maging besprens talaga kami. Grabe. Nakakahiya! Sana hindi nalang ako nagsalita no!? Hahaha! Pero bakit ba, e bespren naman kami, minamalisyahan mo kasi, gaga! Hahaha! Alam ko naman na wala lang sa kanya iyon. Pero sa loob-looban ko talaga, nakakahiya! Ang daldal ko naman kasi...
Hay, darating din ang araw ng magmumukha ulit akong engot! Haha! Alam ko, kaya huwag mo akong pagdudahan, ha!? Pwede ba!? Haha!
At kung sakaling ang engot time ay dumating....
Alam mo kung anong gagawin ko?!
Pupuntahan ko talaga ang swing ng Efarca na pinagkukwentuhan namin lagi ni best. Magdadala ako ng McFloat at sisipsipin ko lang iyon nang sisipsipin hanggang sa malunod na ako. Tapos ang gagawin ko, magsesenti muna ako nang sandali, pero hindi ako iiyak. Korni naman noon e. Basta, tapos tatawa ako nang tatawa mag-isa, habang iniisip ko ang mga pangyayari na waring may replay button at napakadaming flashbacks na bumuo ng isang hurricane at nasa loob ako noon. Maiisip ko iyong mga sandaling may inamin ako, may sinabi ako, tapos biglang pupunta naman sa point of view niya na iniisip na,"kawawa naman 'to, umasa kasi e." o kaya naman,"alam kaya niyang nagmumukha na siyang tanga para sa akin!?". Tapos pagkatapos noong pagninilay-nilay ko, baka dumayo ako kay best, tapos ililibre ko siya ng mais con yelo at hindi ko ikukwento ang nangyari, sayang kasi baka matunaw ang yelo, hindi ba!? Sasabihin ko sa kanya na masaya ako at magaan na ako. Ayaw ko kasing pag-alalahanin pa iyon sa walang kakwenta-kwentang bagay. Kapag wala naman si best sa Efarca noon, pupuntahan ko naman si Myka tapos ililibre ko din siya ng mais con yelo at gusto ko magtatawanan lamang kami. Wala akong pagsasabihan, kahit barkada ko, kasi iisipin nilang malungkot ako e hindi naman, hindi ba? Mas masarap mag-swing at mag-see-saw kaysa naman maging malungkot sa isang bagay na walang may pakialam kundi ako lang.
Ang gaan siguro ng pakiramdam na bibitaw, ano? Ang sarap noon, nararamdaman ko nga e. Haha!
Alam ko na kaakibat ko si Madame Rocha sa panghuhula kaya naninigurado akong tama nga ang aking kuro-kuro na darating din ang araw na magmumukha akong isang malaking tanga.
~sa maniwala kayo't hindi, pinag-isipan ko ito.~
nakakatakot.XP
|