|
*sino yung 4a1 na may balat sa kaliwang braso?
*pakilala kita!
*miss ganda, penge naman ng number mo (sabay grab ng photo)
*ano yun, may crush sa'yo?
*ikaw, hinihingi niya number mo.
Kung sino mang kakilala ko o hindi man na napindot ang aking blog, huwag ka rin sanang magugulat. Yun bang papantayan mo pa ang hitsura kong nanalalaglag ang panga at kahit malaki na ang mata ay nagagawan ng paraan pang lampasin ang kapasidad. Kung isipin mo man na ako'y nagpapansin at nagyayabang dahil ang aking mga pinagsusulat ay mga sinasabi ng ibang tao para lamang ipagpahanga na ako'y may hitsura (weh?!) na wala naman talaga, ay huwag mo nang aksayahin ang oras mo.
Oo, alam ko namang hindi totoo yang mga nakikita nyo sa ibabaw na may kakirirayan pa ng asterisk. Siguro ay wala lang mapagtripan yang mga taong yan. Inabot na nila siguro ang kalingkingan ng pagiging desperado, at dahil lagi lang naman akong naka-anga sa langit, ay nabingwit nila ako bilang isang walang kamala'y malay na biktima.
Nakakatawa lang naman. Kasi tinatanong ko din naman kung bakit ako pa, pero nasagot ko rin naman yang tanong ko (at maaring tanong mo rin). Kasi ang mga kakilala at mga kaibigan ko mga taken na, kaya ako ay ang kinikilala ninyong "last resort". Siguro ang tingin nila sa akin ay ang huling swimming pool. Nyi, ang corny, huwag na lang.
Ansaklap, ahooo. Pero ang sarap ng feeling kapag humahaba ang hair mo. Pero babalik at babalik din ang saklap. Bakit? Dahil ang mga taong sasambit ng mga bagay na ninanais mong marinig ay hindi rin pala kapwa may hitsura..O, sige, hindi mo na mapagtitiisan.
Tamaan ng kidlat ang mapanlait na pandak!
Siguro iyong isa, mapagtitiisan pa. Iyong iba...huwaw ang sarap ata ng ulam!
Ang lahat ng kasama't kaibigan ko, magaganda, at kapag isinama mo ako sa grupo nila, nagmumukha akong nagmumurang kamatis sa gitna ng isang katerbong nagagandang singkamas.
Mayroon din akong magnetic shield, at napatunayan kong hindi lang si Jenelle ang nagtataglay ng isang natatanging kapangyarihan na iyon (huwag mong tanungin kung kamag-anak ko siya, kahit kamukha ko siya, dahil hindi ako magsasalita! Hindeee!) May magnetic shield ako na nagpapatalsik paalis ng mga katagang, "Hindi nga, ang ganda mo!" o kaya naman, "Bakit ba, eh sa nagagandahan ako sa iyo!",o "Maganda ka nga!". Aaminin ko, naaliw ako 'pag naririnig ko ang mga salitang iyon. Tumutuliling ang tainga ko, sa totoo lang. Kaya siguro kalahati ng dahilan ko na ako'y humihindi ay nasasarapan ang tainga kong tumuliling. Pero huwag ka ding mag-alala, dahil magigising muli ang ulo ko upang ipaalala sa akin na iyon ay hindi totoo.
Huwag mo namang mamasamain, hindi ako masamang tao. Okay lang naman. Siguro medyo maayos naman ang loob ko, pero ang labas, ay masasabi kong hindi talaga ako maisisiksik sa kategorya ng "magandang babae".
Malaki ang tiwala ko sa mga kaibigan ko, pero kapag sinasabi nila iyan, alam ko naman na iyon ay dahil pinapalubag lang talaga nila ang loob ko.
Kaya kapag nakakarinig ako ng ganoon mula sa ibang tao, asahan mong tumuliling ang tainga ko, tapos sasabihin kong hindi, at kapag inulit mo pa, tutuliling ulit. Pero asahan mo rin naman hindi nga ako naniniwala.
|