Emotions and Recollections Going Haywire

2/3/2007 - happi balemtimes day.
Posted in Unspecified

Umuulit muli ang saklap..para sa ibang tao.

 

Siguro ang balemtimes day talagang ganito, pinasasaklap ang buhay ng ibang tao, pinasasaya naman para sa iba. Sa akin naman, araw pa rin siya, sa kasosihan lang niya siguro kaya inartihan pa. Sana sa May 25 araw nalang ng magaganda. Huwag nang magtanong kung alam na ang sagot ( EHEM, EHEM)

 

Noong nakaraang dalawang taon, sinusumpa ko ang balemtimes day kasi wala man lamang yung mga pate-arts na pabigay-bigay ng regalo, o roses, at ang masaklap pa noon, maaring ang katabi mo ay may nakuhang TSOKOLATE.

 

Yun yun eh!

 

Alam mo ba iyong damdaming ang katabi mo kumagat na ng kumagat ng tsokolateng isa't kalahati din namang mamahalin, imported pa. At hindi niya gumawang mang-alok! Kung alam mo..ang galing mo naman! Buti ako hindi pa.

 

Masaklap siguro ang balemtimes ko. Maaring ito ang araw na aalis pabalik ang tatay ko. Siya ang importanteng lalaki sa buhay ko. Tingnan mo nama't tiba-tiba ang tsokolateng dala ng tatay ko. Masaklap lalo kay nanay iyon. Pero wala na rin kaming magagawa. Hay.

 

Iniisip ko, balemtimes na sumunod na linggo ng susunod ng linggo. Kung sakaling hindi nga umalis ang tatay ko't nakapasok ako, paano kaya iyon, ano?! Sa tingin mo kaya'y babahain ako ng kagila-gilalas ng sorpresa? O baka wala ka lang nakikita, tulog ka na?!

 

Siyempre, ako din nama'y excited na, ngunit hindi rin umaasa. Ang balemtimes day ay February 14, at magiging Feb. 14 na siya hanggang sa nagkaapo na ang apo ng apo ng apo ng apo ng apo ko. Plus 2345677112345 pa.

 

Ikalat ang pagmamahalan sa kaibigan!

Ikalat ang pagmamahalan sa buong mundo!

Ikalat ang pagmamahalan sa pamilya!

Ikalat lalo ang pagmamahal sa Diyos!

 

Happi balemtimes day!

 

Gaya nga naman ng sabi ng maraming hayskul na estudyante:

 

"KEEEEEEEEEESS!!"

Share |
:: Send to a Friend!

Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb
About Me

A diary in which it can still be called , though my pages have turned to be a little too different. My life. My pensive moods. My drabbles. My self.

Recent Posts
Menu
Calendar
«  September 2014  »
MonTueWedThuFriSatSun
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930 

Friends
Links


Entry 1 of 193
Last Page | Next Page
portfolio