Random Blog
Join JournalHome.com.
Create your own free blog today.
Create Your Blog
Flag this entry/bog.
It will be manually reviewed.
Report This!

Ang Pagtuklas

Description

ang pinakauna kong blog...


My Links

» Home
» My Profile
» Weblog Archives
» Friends

Realisasyon...

Kay tagal na noong huling bumisita ako dito sa blog na 'to.  Kay dami kasing ginagawa sa paaralan.  Di katulad ng buhay hayskul...

Naaalala ko pa rin noon.  Kay sarap ng buhay.  Wala masiyadong ginagawa, makikinig ka lang....basta wala masiyadong gingawa.  Di tulad ngayon, sa sobrang dami ng ginagawa, kay bilis dumaan ng oras.  Lumilipad ito, ika nga.  Okey sana itong taon na ito.  Ngunit nagkaroon ako ng isang problema.  Noong simula, akala ko ay kaya ko nang baguhin ang aking sarili.  Akala ko, kaya ko nang gawing isang masipag na langgam ang isang tamad na suso.  Pero hindi pala.  Katulad pa rin ako noong hayskul nang magsimula ang unang term(ino).  Ginagawa lahat ng mga kailangan(requirements o pag-aaral para sa isang pagsusulit), kundi isang araw bago, ay sa araw na ng pasahan.  Nakakalungkot talaga dahil alam ko sa aking sarili na di hamak na mas maganda ang aking mga marka kung naging mas responsable lamang ako at masipag.  Ang pakiramdam ko non ay parang hayskul pa din.  Kumbaga ay tinrato kong hayskul ang kolehiyo, na isang kamalian.  Nang dumating na ang ikalawang term(ino),  sabi ko magbabago na ko, pero mukhang lumala pa ata ako.  Isang nakakalungkot at nakakadismayang termino nanaman.  At sabi ko rin nang magsimula ang huling termino sa taong ito na magbubuti na ako, pero hindi pa rin.  Nangyari lang ang aking pinakaaasam na pagbabago noong nakaraang linggo. Para bang nagising ako sa isang panaginip, kung saan ako ay hayskul pa, at biglang naharap sa buhay kolehiyo.  Hindi pa ito kumpleto, dahil umaatake pa rin paminsan ang katamaran, pero naniniwala ako na sa pagtakbo ng panahon ay mabubuo na rin ang transpormasyong ito.  Hindi ko sasabihing huli na ang lahat dahil patapos na ang termino, dahil sa aking pananaw, mas mabuti na ang magbago sa nakakabuti kaysa hindi na magbago kailanpaman...



Posted: 6:42 PM, 3/30/2006
Comments (1) | Add Comment | Link
Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb

Pagbabago

Unang-una, ninanais kong sabihin na hindi kagandahan ang araw na ito - hindi kagandahan dahil sa isang katotohanan.  Pinakita nanaman sa akin ng kapalaran na ang pagbabago ang natatanging permanenteng bagay dito sa mundo. Oo, pagbabago.  Katulad na lang ng nangyari sakin ngayon.  Dahil sa pagbabago, sarili ko ang napahamak.  Maaari kong isipin na minalas lang ako, ngunit dapat ba ganito ang nangyari?  Bakit ba ganon, dahil sa pagbabago, bumabaluktot ang isang bagay na tuwid?  Akala ko nasa tamang daan na ako.  Akala ko, maayus-ayos na ang aking ginawa.  Pero hindi.  Nakakadismaya talagang isipin na dahil sa kagagawan ng nakararami, isa ako sa mga kaunting (kahit papaano) nagbuti na napahamak.  At dahil yan sa pagbabago. *kapansin-pansin na walang tiyak na pangyayari akong inihayag, tulad nga ng sinabi ko sa paggawa ng blog, ayokong ipaalam sa lahat ng tao ang aking pribadong buhay, kaya hindi tiyak ang aking mga sinalaysay dito, walang pangalan, walang lugar, walang kahit ano kundi ang pagpapahayag ng aking emosyon tungkol sa pagbabago na nangyari sa araw na ito*



Posted: 12:25 PM, 3/17/2006
Comments (0) | Add Comment | Link
Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb

Ang Simula

Ito ang pinakaunang blog na aking ginawa...di kasi ako mahilig sa pagsulat o paggawa ng journal o diary tungkol sa mga ginagawa ko...gusto ko sakin lang lahat, hindi dahil makasarili ako, kundi dahil hindi ko dapat pinapaalam sa iba ang mga pribadong nangyayari sa aking munting buhay...Ano nga naman ang pakialam ng mga ibang tao sa buhay ko, diba??? May mga problema sila na dapat nilang problemahin, at ganon din ako, at mabuti na lang at ganon ang takbo ng buhay...Ayon na muna sa ngayon.   Sa pag-uulit, ito ang aking pinakaunang blog, kaya mageeksperimento pa ko (hindi pa ko marunong...haha)... Ayon lang...



Posted: 6:34 PM, 3/12/2006
Comments (0) | Add Comment | Link
Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb