Unang-una, ninanais kong sabihin na hindi kagandahan ang araw na ito - hindi kagandahan dahil sa isang katotohanan. Pinakita nanaman sa akin ng kapalaran na ang pagbabago ang natatanging permanenteng bagay dito sa mundo. Oo, pagbabago. Katulad na lang ng nangyari sakin ngayon. Dahil sa pagbabago, sarili ko ang napahamak. Maaari kong isipin na minalas lang ako, ngunit dapat ba ganito ang nangyari? Bakit ba ganon, dahil sa pagbabago, bumabaluktot ang isang bagay na tuwid? Akala ko nasa tamang daan na ako. Akala ko, maayus-ayos na ang aking ginawa. Pero hindi. Nakakadismaya talagang isipin na dahil sa kagagawan ng nakararami, isa ako sa mga kaunting (kahit papaano) nagbuti na napahamak. At dahil yan sa pagbabago. *kapansin-pansin na walang tiyak na pangyayari akong inihayag, tulad nga ng sinabi ko sa paggawa ng blog, ayokong ipaalam sa lahat ng tao ang aking pribadong buhay, kaya hindi tiyak ang aking mga sinalaysay dito, walang pangalan, walang lugar, walang kahit ano kundi ang pagpapahayag ng aking emosyon tungkol sa pagbabago na nangyari sa araw na ito*
|