i live in a world full of lies.
my own lies.
their lies.
whoever's lies... it's what encapsulates my world.
i fear that no one will understand me when i try to tell them what's real and what's not when it comes to what i am thinking about. i know i'm sort of hard to figure out but i can get through... i just hate it when the people i wanted to understand me and the ones i expected to do so, believes in what others say about me.
DUH, WALANG MAY KILALA SAKIN NANG GANUN NALANG! mahirap basahin ang nasasaisip ko dahil plastic ako sa sarili ko! ayokong ipakita sa maraming tao kapag masakit na talaga or what. sana lang talaga, yung mga taong inaasahan kong maiintindihan ako ay intindihin nga ako at hindi yung nakikinig nalang sa sinasabi ng iba.
may dahilan ako sa lahat ng ginagawa ko at sana nare-realize nila yon. hindi lahat ng sinasabi ng isa ay totoo. madali naman akong kausapin, makikinig ako at sasagutin ko naman kung ano mang tanong ang pwedeng itanong sakin pero bakit ang hirap para sayo? ang hirap kasi sayo, laging naniniwala ka sa sinasabi ng iba when all the while, kung nalilito ka, ako lang naman ang talagang makakapagsabi ng kung anong gusto mong malaman!
bakit, takot ka? ako takot pero gusto kong sabihin ang lahat dahil gusto kong maluwagan na yung mga bagay na kinikimkim ko sa sarili ko. unfair, oo... pero mas unfair ka! ayaw mo akong lapitan, o kausapin manlang... bakit ba? gusto kitang kausapin pero tuwing lalapit ako, kasama mo siya or kasama mo ay iba... di ko tuloy masabi kung anong gusto kong malaman mo.
teka... bakit nga ba pinipilit ko pang paniwalain ka? e wala na nga pala... ni ayaw mo na nga akong tignan o imikan... ni ayaw mo na akong lapitan! bakit pa ba ako magpapakahirap na kahit pano marealize mo na hindi lahat ng nakikita mo ay totoo...
kasi, laging akala mo, ikaw lang ang nasasaktan! akala mo palagi, ikaw lang ang nahihirapan! bakit kaya hindi mo ako tanungin kung nahihirapan o nasasaktan na ako? kasi, ang mahalaga lang sayo, SARILI MO! akala mo masaya ako sa tuwing tatawa ako? akala mo masaya ako sa tuwing magbibiro ako at mangungulit? bakit ba hindi mo makita? akala ko ba malalim pinagsamahan natin? bakit di mo alam kung kelan ako nangangailangan ng sasalo sakin?
sana lang, nakikita mo... dahil hindi sa lahat ng oras lahat ng bagay ay kaya kong sabihin. mahina ako pero hindi ako ung tao na iniisip mong ganoon... may mga bagay akong gustong ipakita pero may LUGAR din naman ako... di ko ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw mo naman...
marunong akong makibagay at hindi mo ako maaasahang gumawa ng first move... oo, sabihin na natin na kahit papano may pride din ako pero kung ikaw, sana kita mo kung gaano kataas ang ego mo! willing akong kausapin ka kanina pero isang simpleng sagot lang ang ibinigay mo... na parang ang gusto mong sabihin ay wala ka talagang pakialam kahit na hindi maliwanag kung bakit nangyari ang mga nangyari...
ang selfish ko.... ma-pride na kung ma-pride pero bago mo ako husgahan, tignan mo muna sarili mo at tanungin mo kung sapat na ba ang nalalaman mo para layuan mo ako. |
| Post A Comment! :: Send to a Friend! |
kung ako man iyong tinutukoy mo, SORRY. hindi ko ipagkakaila na ego-centric din ako at minsa'y hindi tlaga kita nabibigyan ng mabuti o mahahabang advice na may sense at kailangan mo. hindi ko tlaga alam kung saan ako lulugar. madalas nakikinig lang talaga ako at naguiguilty, dahil hindi ako makasagot ng aus sa iyo samantalang andaming advice ang ibinibigay mo sa akin. minsan, ung mga naiisip ko na advice, alam mo na kaya parang ala nang saysay para sabihin ko. sa totoo lang, mas matatag ka sa akin. mas mahina ako sa iyo. hindi ko alam kung paano ko ihahayag ang mga damdamin ko kagaya mo. TAO ako At TAO ka din. oo, may mga pagkakataon na magaling ka talaga dito at ako dito. pero lahat tayo kung tutuusin, may pagkukulang. hindi ka mahina, best... kailangan mo lang siguro ng taong sasama sa iyo at kasama mong iiyak. kailangan mo lang talagang ilabas. kahit kailan hindi ako nagpabor n hindi ka umiyak. dahil sinabi mo sa akin iyon. pero kung ako ang tinutukoy mo, SORRY dahil hindi ko pala nagampanan yung tungkulin ko na sandalan mo. oo, inaamin ko din na minsan hindi ko alam na nagkukunwari ka o hindi. pero naniniwala ako sa iyo. sorry kung hindi man ako ganoong kagaling tumingin sa likod ng mga maskara mo, samantalang ako, nakikita mo. sorry. kung hindi man ako iyon at siguro ay naiisip mo kung bakit natatamaan ako, oo, guilty din ako sa mga sinabi mo. hindi ko alam kung bakit. pero sa tingin ko nga hindi ko tlaga magampanan iyong taong tlagang makakaintindi sa iyo. mahirap ka ngang intindihin, pero madali ka namang mahalin. alam mo ba, sa totoo lang, nakikita kong nagkukunwari ka sa ngiti mo. XD...sana huwag ka nang magpumilit na ngumiti para itago ung sakit. auko nang nahihirapan ka kasi mas nahihirapan ako. naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lng gumawang pumunta sa ibaba para mapagsabihan mo ng mga problema. mga kasalanan ko ito sa iyo, alam ko iyon. Aus lamang namn na sigawan mo ako, na sampalin mo ako o i-taekwondo mo basta ilabas mo lang ang galit mo sa akin o kahit sa ibang tao. sana hindi mo na ginagawang ikulong ang nararamdaman mo...mas masama di ba yun, kasi naiipon ang mga emosyon mo hanggang hindi mo na maintindihan at lumalala pa. sa iyo ko din yan natutunan. marami akong natutunan sa iyo, samantalang sa akin, parang ala akong naitulong. nasasaktan ako at ikaw. pareho lang tlaga tayo, halos...at ang magagawa na lang natin sa lecheng pakiramdam na yun eh ung nagddamayan tayo. nagawa ko ba iyon..?! waaaaaaah..hindi ko na talaga ang alam ang sasabihin ko. kapag isinusulat mo ang galit mo sa blog mo, lagi kong iniisip kung ako ba ang itinutukoy mo o hindi. sa totoo lang...waaaaaaaah...ako ba iyon!?
sana sabihin mo sa akin kung sino un...kung ako man iyon.
hindi ko mapatawad ang sarili ko sa mga kasalanang nagawa ko sa iyo...
lagi kang anjan para sa akin...
sana kung ako man iyon...SORRY po.
SORRY tlaga sa mga kasalanang nagawa ko.
Permanent Link