Random Blog
Join JournalHome.com.
Create your own free blog today.
Create Your Blog
Flag this entry/bog.
It will be manually reviewed.
Report This!

1/24/2008 - wala. wala na talaga.
Posted in Unspecified

Wala. Wala na talaga. Walang wala na.

Wala lang akong magawa.

**
Madaming dapat aralin,  madaming dapat gawin.. pero anong ginagawa ko? WALA. Bakit? Simple lang. Tinatamad ako. Bakit ulit? Kasi mas nakakatamad maging masipag kesa tamarin na maging tamad... gets? Kung mabilis ang pick-up mo magegets mo sinabi ko.

May rason kung bakit dito ako nag-gawa ng blog. Kasi ayokong magsulat ng mga hinaing, galit, frustrations, at kung ano-ano pang tumatakbo sa isip ko nang ladlad sa publiko. Kaya ayoko sa multiply eh, nababasa ng mga taong wala rin magawa sa buhay nila ang mga 'escapades' mo sa buhay. Dito sa blog na to, yung mga ini-add ko as 'friends' isa lang dun ung talagang kilala ko, syempre, bestfriend ko yun eh. The rest, inaccept man nila ung add, they don't really give a damn. Di naman talaga nila ko kilala eh, at di ko din sila kilala. So yun, masaya ako because of that. Nagugulat ako sa mga di ko kilalang nagcocomment sa ilang entries ko at masaya ako because of that kasi yung comment nila, walang bias. Makatao. Wala silang pakialam sakin, wala din akong pakialam sa kanila. Harmonious ang relationship namin. Peaceful. Ayoko ng atensyon. Siguro gusto ko ng atensyon kung galing sa mga taong mahal ko pero galing sa mga taong walang magawa at gusto lang magpaka-judgmental to pass the time, no thank you. Ang bitter ko, no? Hindi naman masyado. Siguro I just feel antisocial and kind of... anti-trend... halos lahat nalang kasi ng kakilala ko post ng post ng mga kagaguhan, kadramahan, kasamaan, kabutihan at kung ano-ano pang salitang pwedeng unahan ng 'ka' sa mga multiply o friendster blogs nila... Ayokong matulad sa kanila... siguro gusto ko lang magpaka-unique. *hehe* Hindi ako hypocrite. Aaminin ko ginusto ko din magsulat don at maging 'one with the crowd' but then again naisip ko na, it's quite a waste din. Parang si Heath Ledger. haha. Joke. Ang labo ng analogy. Dati nagpo-post din ako sa aking friendster blog, tadtad pa nga ng icons and pictures eh... pero dinelete ko... kasi... ewan. Ayoko lang. haha. Oo, malabo akong tao. Kahit ako minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ganon lang siguro talaga kapag masyadong bored. So un. Un ang aking mga sentiments tungkol sa blogging. Sorry kung may magbabasa at mao-offend pero alam ko namang walang magkakainteres na basahin 'to eh.hehe.

Another thing na nakadagdag sa list of frustrations ko, bakit ba hindi ko mapigilan na kahit nagta-type na ng matino nagiging animo'y text message/ym chat ang sinasabi ko... tulad nalang ng mga salitang ginamit ko sa naunang segment:
"ung"
"un"
diba dapat may letter 'y' un sa una... o.. yan nanaman... "un"... bahala na nga... pinoy eh. haha. TXT!!! pakingshet.

Gusto ko nang umuwi. Tagal kong hindi nakauwi. nalulungkot at nahohomesick na ko... naiinggit ako sa mga nakakauwi. hehehe.

Tinatamad na 'kong magtype. Kain muna. Ciao!
Share |

Post A Comment! :: Send to a Friend!

Share and enjoy
  • Digg
  • del.icio.us
  • DZone
  • Netvouz
  • NewsVine
  • Reddit
  • Slashdot
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb

Notify me of followup comments via e-mail.