MAY KARAPATAN AKONG MA-BAD TRIP.
Kasi naman... una, patay na si lola celing. Oo hindi man kami kasing close na parang closeness namin ni inay but still... nakakalungkot kasi nung pasko ni hindi manlang ako sumama pumunta sa kanila and yung katwiran ko is tinatamad akong magbiyahe and sabi ko there's always next year.. eh pano ba to, wala nang lola celing next year... nababadtrip ako sa sarili ko. Pangalawa. Nababadtrip ako sa mga so-called friends ko. Palibhasa ba sa ibang tao ako sumama nung University Fair, iiwasan na 'ko? I'm not ditching them. Sila nga eh, hindi na nila ako iniinform kapag may lakad or something. Sumama ako kina Marielle kasi hindi naman sila nagsabi na pupunta sila. Hindi ako mind reader. Masyado sila mag-expect from the people around them. O isa pa yung kagabi naman, group work via YM... nag log out na ko kasi alangan namang pigilan ko ang pagsasara ng internet cafe. Ok daw dahil tapos narin naman. Aba after fifteen minutes, past eleven na, pinagoonline ako ulit. Maghanap daw ako ng ibang cafe. Ang akin lang, FUCK YOU!!! Disoras na ng gabi, babae ako... papalakarin mo ako sa kahabaan ng Taft Ave. para lang humanap ng cafe?! Tang ina mo pare, hayop kang bakla ka! At manghiram nalang daw ako ng PC sa dorm mate... Pucha, hindi ka ba tumitingin sa orasan?~ anong gusto mo, mang gising ako ng mga tao?! Tinatawagan ayaw sumagot... Nakakatanga... bullshit. Well anyway. At least natapos na ang mga kailngang gawin. Pero isa silang malaking badtrip. Pangatlo, sa mga prof. Feeling nila kasing galing nila ang mga estudyante nila. Enough said. Pang-apat, naiirita na ko sa mga tao na pakiramdam nila sila lang ang may problema sa mundo.. Like, pasan nila ang daigdig... Pucha, think of all the other people who couldn't even afford to buy food and stuff... hindi ko maintindihan why they feel so deprived of everything, always pitying themselves over the smallest of matters. Lahat naman ng tao nahihirapan, sapat nang sabihin mo sa kaibigan na tsong, hirap na ko. Ok na yun, hindi yung magmamaktol ka pa na sasabihin mo pa ng in-depth ang bawat pag-kirot ng muscles mo na parang hindi mo naiisip na ang tsong mo ay may problema din na baka gusto mong i-consider naman. Lalo na yung igi-GM pa sa mundo na gusto na nilang mamatay, putang ina~ lalo na kung ang dahilan ay love life lng naman! Bullshit. Hay. Ayun. Post-Valentine's na entry.. napakaganda. |
| Post A Comment! :: Send to a Friend! |
Permanent Link