nakakatuwa naman. mag isa ako sa room namin pero di ko naramdaman yun. siguro kasi buong gabi at madaling araw kaming nagbonding ni casey. nawala yung antok ko kasi pinapanuod sakin nung bruhang yun ang live action ng honey and clover at ako'y naadik. pinagpaliban ko nanaman ang paggagawa ng math problems ko... sabi nga nung friend kong korean na madalas pinapadugo ang ilong ko kakaenglish niya, "study and take the test even if it's hopeless". words of wisdom, man! haha... nakakatamad din kasi.. pero sa tuwing naiisip ko yung efforts nila steph, tei, marc, ryan, pao, and sammy para tulungan ako, nakokonsensya naman ako kung di ko sasagutan. kung love nila ako, mas love ko sila! haha... natouch ako sobra kahapon, super tinutukan ako ni tei ng pagtuturo.. alam ko hirap na siya mag english, napipikon na siya sa pang aasar ko, at bumababa na ang patience meter niya, di parin siya sumuko.. si steph din, sobra.. pinagsagot niya ako at bilang reward, 10 cd's na puro arashi lang ang laman.. positive reinforcement daw.. hihi... si marc at ryan, di tumitigil ng pageencourage and pagtuturo kahit busy pa sila, si sammy din.. at si pao na walang sawang nang aasar para manatili akong gising at di ko tulugan ang math... lahat sila determined na mahalin ko din ang math..
so yun.. nagsasagot ako ngayon, trade kami ng laptop ni casey kasi mas mabilis daw yung laptop ko at kailangan na niya tapusin yung ginagawa niya... kawawang bata, CCS kasi.. haha.. she's my senpai, two years ahead of me pero mukha pa siyang mas bata sakin. mahilig din siya sa mga hapon kaya kami nagkakasundo. dahil nakalimutan namin magdinner, nagpadeliver kami sa mcdo.. tagal tagal namin naghihintay ng makakapagsabi ng number ng mcdo para makapagpadeliver kasi sarado na yung dito sa taft, tapos tv lang pala makakapagsabi.. yung commercial ng mcdo... haha.. dial 8mcdo!! na-solve ang problema ng gutom..
miss ko na sina mitchie, mitch, at jenny... ang aking dorm barkada.. di ako sanay na di mag hang out sa room nila.. at kulang ang araw naming apat kung di kami sabay sabay magdinner... miss ko nadin si marielle... isa sa aking mga quarterpounder buddies dito sa dorm... lalo na si karen!! miss na miss ko na yun kahit magkatabi lang ang kama namin.. kasi palagi kaming knocked out paguwi kaya di nadin kami nakakapagusap.. why do i feel so nostalgic? palibhasa magsasummer na at kahit maikli nanaman ang bakasyon, it just feels so..... long. ang drama. eh ilang taon ko pa naman silang makakasama.. for the mean time, manunuod nalang uli ako ng asia tour concert ng arashi... ang aking pinakamamahal na banda.. hihi.. shet. antok na ko pero dahil duwag ako, di nalang ako matutulog.. haha. |
| Post A Comment! :: Send to a Friend! |
| heyeeeey! Go best! kayang-kaya mo yan! Wow, buti ka pa, may kasangga sa MATH, ang ating bestfriend since high school! ako kasi wala. waaaa. mga dormmates ko lagi kasing busy. i envy you. :( kaya dayo lagi akong clebelro para magpaturo kina kuya paulo at dongs, na lagi rin namang busy. hanggang ngayon EL TERRIBLE PA RIN ANG MATH!! haha! kaya natin to best! go go go! |
Permanent Link |
You should believe in yourself more Pawie dear. Kaya mo yan. Why else do you think people don't consider teaching you a waste of time? Kambatene Paora kun. I believe in you too ;P
Permanent Link